"Kai?" kinakabahang tawag ko sa pangalan niya
Kasalukuyan kaming lulan ng private plane ni Kairo papuntang Italy. Pagkatapos ng limang araw na training ko ay agad niyang tinawagan ang dad niya na handa na ako para humarap sa council.
Imbis na matuwa ako ngayon dahil makakapunta na ako sa Italy, kabaliktaran ang nararamdaman ko. Bukod sa kinakabahan ako, nag-aalala rin ako kay Kairo. Paalis pa lang kami ng mansion ay nawala na ang mapang-asar at palangisi niyang ekspresyon sa akin.
Walang emosyon at walang kabuhay-buhay ang mukha niya. Ni hindi ko magawang basahin kung ano ang takbo ng isip niya, kahit sina Uno ay nag-aalangan na lumapit sa kanya dahil parang isang maling galaw mo lang ay handa na siyang manuntok.
"Kai, may problema ba?" ulit ko nang hindi siya sumagot
Tumingin naman siya sa 'kin gamit ang malamig niyang titig at umiling bilang ganti. Hindi nalang din ako nangulit at tinuon nalang ang pansin sa labas ng bintana ng sinasakyan naming eroplano.
Maganda ang panahon at kitang-kita ko ang asul na kalangitan, pero hindi ito nagbibigay ng saya at aliw sa akin dahil sa nararamdaman kong masamang awra dito sa loob ng eroplano.
Ang kakulitan nina Drake ay nawala at napalitan ng pagkaseryoso. Katulad ni Kairo ay hindi din sila makikitaan ng kahit anong ekspresyon sa mukha.
"You'll going to meet my grandfather in Italy."
Napalingon ako kay Kairo nang bigla siyang nagsalita sa tabi ko. Deritso pa rin ang tingin niya at hindi man lang ako nilingon.
Nasabi na sa akin ni Uno na makikilala ko ang lolo ni Kairo, kaya dapat akong maghanda dahil mas nakakatakot daw ito kumpara kay dad at kay Kairo. Kapag ito raw ang nagsalita at nag-utos ay agad na sinusunod ng sino man.
Hindi na ako nabigla nang sabihin 'yon ni Kairo pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ako sigurado kung matatanggap ba ako ng lolo niya, lalo na't hindi ako kabilang sa kahit anong organisasyon.
"Sabi ni Uno mas nakakatakot daw ang lolo mo," ganti ko sa sinabi niya kanina
Lumingon naman siya sa akin at tiningnan ako sa mata. Ang walang emosyon niyang mukha ay napalitan ng pagkakakunot ng noo. Sandaling natahimik kami pareho nang hindi siya sumagot at nanatili lang ang mariing titig sa 'kin.
"May nasabi ba akong mali?" nagtatakang tanong ko nang wala akong nakuhang tugon sa kanya
"You're afraid of him, more than me?" malamig na tanong niya
"S-Syempre, ginagalang siya ng lahat at mas nakakatakot daw kapag nagalit," hindi siguradong sagot ko sa kanya
Mas lalong kumunot ang noo niya at dumilim ang ekspresyon ng mukha.
Inilapit niya ang mukha sa akin, na siyang dahilan kung bakit ako napaatras. Gamit ang isang kamay ay humawak siya sa likod ng upuan ko at ang isa ay hinawakan ng marahan ang panga ko. Bahagya niyang inilapit ang mukha ko sa kanya bago siya umimik.
"I am your husband, Justine. The head of Dark Alpha Society and the boss of Divinchie Famiglia. No one can touch you, except me... not even my grandfather. Be afraid of my capabilities, I will kill anyone who will dare to touch you. Don't be afraid to anyone because as long as my heart is beating, no one can hurt you, understand?" mariing saad niya habang hindi binibitawan ang panga ko
Tumangon naman ako umiwas ng tingin sa kanya. "Naiintindihan ko," mahinang tugon ko sa sinabi niya
"Good," malamig niyang sabi pagkatapos akong bitawan.
Pagkatapos nang sinabi niya ay wala nang nagtangkang magsalita sa amin, pinili ko nalang ding tumahimik at ituon ang pansin sa papalapag na eroplano. Hindi pa man tuluyang nakakalapag ang sinasakyan namin ay tanaw ko na ang mga tauhan niyang nakatayo ng tuwid at nakahanay malapit kung saan lalapag ang eroplano.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...