Chapter 60

508 15 4
                                    

"Bring me to Italy, Kai," pangungumbinsi ko sa kanya.

"I said no, stop being stubborn," malamig ang boses na pagkakasabi niya.

Kanina ko pa siya kinukumbinsi pero tanging iling at hindi lang ang tugon niya. Buo na ang desisyon niyang huwag akong dalhin doon at iyon ang ipinag-aalala ko. Sarado na ang isipan niya at wala siyang pakialam kung sakaling matuloy ang war na kinakatakutan ko. Mas lalo pang nadadagdagan ang kaba ko dahil hindi ko man lang nakikitaan ng pagkabahala si Kairo kung sakaling matutuloy ang gyera. Para bang kampante lang siya na kaya niya akong protektahan at kaya niyang patayin lahat ng haharang sa plano niya.

"Huwag ganito. Ayaw kong may madamay na iba ng dahil lang sa 'kin. Kai, hindi ako sanay na ganito ka. Hindi marunong makinig sa 'kin at hindi pinapakinggan ang sinasabi ko," pakiusap ko sa kanya sa mahinahong boses. May himig na drama at pangungumbinsi ang pagkakasabi ko.

"I don't want to act this way but you keep on pushing me. I already said I don't want to, but you keep on asking. Sinusubukan kong maging kalmado kapag ikaw ang kausap ko pero nagsisimula na akong mainis. Trust me on this and leave this matter to me," matigas ang boses na pagkakasabi niya. Itinapon niya ang upos ng sigarilyo sa labas ng bintana at lumapit sa 'kin.

Madilim ang anyo ng mukha niya pero alam kong pinipilit niyang huwag magalit sa 'kin. Kilala ko siya, kung hindi lang ako ang kausap niya ay sigurado akong kanina pa siya sumisigaw sa sobrang galit.

"Sinusubukan ko lang baguhin ang desisyon mo. Malay mo kapag iniharap mo ako sa kanila, magbago ang isip ng council."

"And why?" nakakunot-noong tanong niya

"Baka kapag nakita nila ako mainlove sila sa kagandahan ko," natatawang saad ko sa kanya kahit pa nasa seryosong usapan kami.

Ang matigas na ekspresyon ng mukha at nakakunot na noo niya ay unti-unting nawala at napalitan ng hindi makapaniwalang tingin.

"Really? In front of my fucking face? Telling me someone's gonna fall in love with you makes me want to kill someone using my bare hands," hindi makapaniwalang tanong niya

"Malay mo 'di ba? Dahil sa 'kin hindi matutuloy ang war."

"You know what? Let's end this topic. I won't forget that son of a bitch, what's his name again?" pag-iiba niya ng usapan

"David," maikling sagot ko at hindi makatingin ng deritso sa kanya

Kanina ako pa ang naiinis at panay ang tanong samantalang ngayon ay parang ako na ang nasa hot seat. Real quick ah.

"David? Good name for my next target," nakangising saad niya na ikinalaki ng mata ko

"Kairo, huwag ganoon. Pagpasensyahan mo na 'yung tao."

"Patience? I don't have one. Kung hindi siya titigil kakalapit sayo ako mismo ang mag o-opera sa kanya ng hindi gumagamit ng anesthesia," banta niya at umupo sa kama habang nakatayo ako sa harapan niya.

"Kairo, hayaan mo na. Ni reject ko na naman siya saka wala naman na siyang magagawa kasi kasal na ako," tutol ko sa sinabi niya. Kilala ko 'to, lahat ng sinasabi niya ay ginagawa niya kaya sigurado akong hindi malabong gawin niya 'yon. Although never ko pa nakita kung paano siya pumatay at magpahirap ng tao, sigurado akong hindi iyon maganda. Base sa mga naririnig ko sa mga tauhan niya, nakakatakot siya magalit.

"Sit on my lap," utos niya

"Huh?" naguguluhang tanong ko

"I said sit on my lap," ulit niya.

Dahil hindi ko ginawa ang sinabi niya ay siya na mismo ang humawak sa bewang ko at nagpaupo sa akin sa kandungan niya. Pagkaupo ko ay agad niyang ikinawit ang mga braso niya sa bewang ko at ipanatong ang baba niya sa balikat ko.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon