Justine's POV
"Wake up, sleepy head..."
Naalimpungatan ako nang may marinig akong mahinang boses sa kaliwang tenga ko. Imbis na dumilat ay mas lalo kong tinakpan ang mata ko gamit ang braso ko at humarap sa kabilang gilid.
"Wife, your training will start today."
Dinilat ko ang mata ko at kinuha ang cellphone para tingnan ang oras. Napasimangot na lamang ako nang makitang alas tres pa lang ng madaling araw.
Bakit ang aga? Akala ko ba 4am? Nakakatamad bumangon ng ganitong oras tapos mukhang whole day pa ang training ko ngayon.
"Alas tres pa lang, Kai ang aga pa," maktol ko at ibinaon ang mukha sa unan
"Dwarf, come on! Don't test my patience or else I-"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang muli akong dumilat at tiningnan siya. "Gising na nga oh," asar na sagot ko
Mahirap na, baka magbago ang isip niya at ikakansela nalang ang pagpunta sa Italy. Pabago-bago pa naman ang isip niya, hindi mo pre-predict kung ano ang susunod niyang hakbang.
"Get up," utos niya
Nanatili akong nakahiga at itinaas ang dalawang kamay, nagpapahiwatig na gusto kong magpabuhat. Napangiti naman siya at umiling bago ako hinawakan sa magkabilang gilid para buhatin.
"My baby is getting clingy, ha?" saad niya bago ako binuhat
"Geez, ang lamig," saad ko nang tumulo sa balat ko ang tubig na nanggaling sa buhok niya. Tapos na kasi siyang maligo at nakasuot na siya ng jogging pants at sando.
"Go, take a bath. I'll wait outside. You know, we can't start at 4 am when I'll take a bath with you. Hindi lang ligo ang mangyayari, unless you want that to happened, " nakangising saad niya at ibinaba ako sa banyo
"Doon ka na nga, hintayin mo nalang ako."
"Alright, I'll prepare your clothes."
Tumango naman ako at ngumiti bago isinara ang pinto. Isa-isa kong hinubad ang mga damit ko bago ako nagsimulang mag shower.
Grabe! Ang lamig, buti nalang may hot ang shower ni Kairo. Hindi ko naman alam na ganito pala kaseryoso ang training na sinasabi niya. Isipin mo, mas nauna pa siyang nagising at nakaligo sa 'kin samantalang hating-gabi na siya pumasok sa kwarto kagabi, tapos nakainom pa.
Kung ako siguro 'yon kahit anong alarm pa, hindi talaga ako magigising. Tulog na tulog pa rin ang diwa ko hanggang tanghali.
"Wife? Are you done?" sigaw ni Kairo mula sa labas.
Wala pa ngang 30 minutos akong nasa loob, inip na inip na siya. Hindi ko pa nagagawa lahat ng morning routine ko.
"Teka lang, malapit na! Maghintay ka r'yan!" ganti ko at binilisan nalang ang pagligo
Ilang minuto lang ang itinagal ko at agad din akong lumabas ng banyo na tanging twalya lang ang suot. Naabutan ko naman si Kairo na nakaupo sa sofa at nakasandal ang ulo sa kaliwang kamay niya na nakapatong sa sandalan ng sofa habang nakatingin sa akin.
Nakahanay naman sa kama ang mga damit na susuotin ko, kabilang na ang undergarments.
"It's already 3:48 am, dwarf," walang gana niyang sabi.
Inikutan ko lang siya ng mata bago kinuha ang damit at isa-isang isinuot. Suot ko ang kulay itim na leggings at sports bra na pinatungan ng kulay black na jacket ni Kairo.
"Wala pa ngang 4am eh, excited?"
"Yeah, and you'll eat your breakfast for 30 minutes," may halong sarkasmo na saad niya
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...