Chapter 18 ⚠️🔞

833 9 2
                                    

Warning⚠️⚠️⚠️ This chapter contains matured content including sexual scenes and strong language. Please skip this part if you may find it uncomfortable.

"And you know what Val? Her ring cost 75 Million US Dollars."

Napailing at natatawa na lamang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni Mia kay Valerie habang si Valerie ay nakangiti lang din at tumatango. Paglapit ni Val sa 'min kanina ay agad itong hinila ni Mia paupo at ikwenento ang mga nalaman niya kanina.

Bakas pa sa mukha niya ang saya at pagkamangha habang kinukwento kay Val ang tungkol sa pagpapakasal ko.

"Tama na iyan," natatawang awat ko sa kanya dahil patuloy lang ito sa pagsasalita

Hating gabi na pero nandito pa rin ako at nakikipagkwentuhan sa kanila habang umiinom. Hindi naman hard drink ang iniinom namin kaya hindi pa ako nalalasing, saka hindi naman ako mag-aalala dahil nagpaalam naman ako kay Kairo.

Tatanggapin ko na sana ang basong may lamang alak na iniabot ni Clark, nang may kumuha nito galing sa likuran ko. Nanlalaking matang nakatingin ako sa kamay na may suot na singsing kapares ng akin. Ganoon din ang mukha ni Val, Clark at ni Mia na nakatingin sa likuran ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko hanggang sa makasalubong ng mata ko ang asul na mga mata ni Kairo.

"A-Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Fetching my wife. It is already 12 in midnight and here she is, drinking with her friends and with a guy ha," sagot nito pagkatapos inumin ang alak na para sa 'kin

"Ah, ano Clark nga pala, pre. Boyrfriend ako ni Mia, " pagpapakilala ng boyfriend ni Mia at iniabot ang sana ang kamay kay Kairo para makipagkamayan dito ngunit tinitigan niya lang ito at hindi tinanggap. Napapahiyang ibinaba naman ni Clark ang kamay niya.

"Uuwi naman ako."

"I know," matigas na boses na sagot nito

Wala na akong nagawa kundi tumayo at alanganing ngumiti kela Mia bago magpaalam. "Ah Val, Clark, Mia, mauna na kami. Sinusundo na kasi ako."

"Sure," magkasabay na sagot ng dalawa

Hindi pa man kami nagsisimulang maglakad paalis ay ikinawit na nito ang braso sa baywang ko.

"I don't like how these men stare at you," matigas na bulong nito

What the hell is happening? Bakit parang nag-iiba ang Kairo na kasama ko simula noong kasal namin. Hindi naman ganito ang Kairo na dating kilala ko.

Pasimple ko namang ko namang inilibot ang paningin ko sa dinaraanan namin. Ang OA talaga nitong si Kairo, hindi naman sa akin nakakatitig ang mga 'to eh. Oo, may ibang nakatingin sa 'kin pero halos lahat ay sa kanya lumilingon. Lalo na ang mga kababaihan na ang lagkit ng tingin sa kanya.

"Lumayo ka nga, hindi naman ako ang tinititigan nila. Sayo sila nakatingin," ganting bulong ko sa kanya

Mukha kaming mga timang na nagbubulungan dito habang naglalakad kahit na malakas naman ang tugtug at mga sigawan ng mga taong nanonood ng karera.

"Really? Why do I feel like these guys are simping with my property."

"Nababaliw ka na ba? Kanina ka pa ha! I mean kahapon ka pa. Ano ba ang nangyari sa 'yo?" inis na tanong ko sa kanya pagkatapos niya akong bitawan nang makarating kami sa harap ng sasakyan niya

"Why? Is it wrong to claim my property? I fucking told you, Justine, the day you signed that fucking contract is the day I already owned you. I am a possessive man, I don't like sharing," galit na sagot nito. Nanlaki naman ang mata ko na nakatitig sa kanya.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon