Minulat ko ang mata ko nang magising ako na walang makapa sa tabi. Wala na si Kairo sa tabi ko at tanging unan nalang ang natira. Tiningnan ko naman ang katawan ko sa ilalim ng comforter dahil sa pagkakaalala ko ay wala akong kahit anong saplot na suot kagabi pero ngayon ay suot ko na ang kulay itim na t-shirt ni Kairo.
Umupo ako sa kama at huminga ng malalim nang maramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng ibaba ko. Hindi naman masyadong masakit, sakto lang para makalakad ako ng maayos. Hindi katulad nong una namin ni Kairo na hindi ko magawang ihakbang ang dalawang paa ko. Ang masakit lang sa 'kin ngayon ay bewang at likod ko.
Hawak ko ang bewang ko habang naglalakad para kumuha ng twalya, pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Halos isang oras ang itinagal ko sa loob dahil ginawa ko pa ang morning routines ko, kabilang na ang skin care. Saka dinadama ko pa ang lamig ng tubig habang kumakanta, alam niyo na for vocalization haha.
"Gagi!" 'yon nalang ang nasabi ko habang palabas ng banyo at pinupunasan ang buhok ko nang bumugad sa 'kin si Kairo na nakapamulsang nakasandal sa gilid ng pinto ng banyo at seryosong nakatingin sa 'kin.
"Kanina ka pa d'yan? Jusko naman, bakit d'yan ka nakapwesto?" kinakabahang tanong ko sa kanya
"I'm standing here for almost one hour but looks like you're having a concert inside," nang-aasar na sagot niya at sumunod sa 'kin sa harap ng salamin.
"Sino ba kasing nagsabi sayo na tumayo ka d'yan? 'Tsaka saan ka ba galing?"
"Downstairs, I helped nanay to prepare our breakfast and I ask her for a pain reliever in case I caused you too much pain from last night."
Kinuha niya sa kamay ko ang suklay at siya mismo ang nagsuklay sa mahabang buhok ko habang nasa likuran ko siya at pareho kaming nakaharap sa malaking salamin. Tanging twalya lang ang nakatakip sa katawan ko kaya litaw ang maputing balat ko at ang mga marka ng halik ni Kairo sa dibdib ko kagabi.
Mabuti nalang at matatakpan lang ng damit dahil paniguradong mahihirapan na naman ako sa paglalagay ng concealer kung litaw ang kiss marks niya.
"Ayos lang ako, walang masyadong masakit sa 'kin pwera sa likod," saad ko at hinayaan siya sa ginagawa
"Good, I'm trying so hard to be gentle when it comes to you."
"Bakit? Sa ibang mga naging babae mo ba hindi?" nakataas kilay kong tanong sa kanya
"Let's not talk about it," walang gana niyang sagot
"Bakit? Tinatanong ko lang naman ah, sagutin mo para magkaalaman tayo. Ano ngayong sabi mo kagabi? If you're not comfortable to talk to me as your husband, talk to me as your best friend. Oh sabihin mo sa 'kin ngayon bilang kaibigan mo, hindi bilang asawa."
Inirapan ko siya gaya ng palagi kong ginagawa at sapilitang kinuha ang suklay sa kanya. Bigla tuloy nasira mood ko ngayong araw
"Are you jealous? Why bringing up the topic?" tila nang-aasar na tanong niya at sinabayan pa ng ngisi
Tinuro ko naman ang sarili ko at nilingon siya, "Me? Jealous? Ewwss bakit naman ako magseselos? Sa ganda kong to?" confident na ganti ko sa kanya "Bakit ako magseselos kung kaya ko namang gawin ang ginawa nila sayo," mahinang bulong ko sapat lang para ako lang ang makaranig
"What did you say? Repeat what you have said."
"Wala, sabi ko maganda ako," asar na sagot ko sa kanya
Muli akong humarap sa salamin at tiningnan ang kabuoan ko dito, wala namang bago pwera sa buhok ko na mas humaba pa lalo. Si Kairo naman ay nakatingin lang din sa repleksyon ko sa salamin.
"Wife, I called dad awhile ago," mahinang saad ni Kairo habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Tapos? May sinabi ka ba? Nag-away kayo?"
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
قصص عامةJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...