"A-Anong sinabi mo?" gulat na tanong ko sa kanya
"I said, I love you. I love you Justine Rose Keenstone Divinchie," muling ulit niya at talagang tinawag pa ako sa buo kong pangalan.
Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya at naipailing, ilang beses kong iniling-iling ang ulo ko at tumingin sa ibang deriksyon. Ayaw kong paniwalaan ang pag-amin niya sa 'kin, hindi dahil sa ayaw kong tanggapin kundi dahil sa natatakot ako.
Baka naguguluhan lang siya o nabigla sa mga pangyayari. Bago lang ang kasal naming dalawa, mag-iisang buwan pa lang, imposibleng sa ganoon kabilis na panahon ay nahulog na siya sa 'kin. Babaero si Kairo, baka isa lang 'to sa mga patibong niya para mahulog ko.
"Baka naguguluhan ka lang, imposible."
"I'm serious, Justine. I don't know how and when it started but I just woke up one day, admitting to myself that I love you." Huminga siya ng malalim at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko bago muling nagsalita. "I don't know but you slowly became my obsession. I don't want someone else to hold you, I don't want someone else to claim you. I want you to be mine, only mine. You became my standard wife, not just a standard wife but my standard woman. "
Pinikit ko ang mata ko at bumuntong-hininga. Hindi ko akalain na ang isang Kalix Rhon Divinchie ay aamin ng ganito sa 'kin. Masyadong biglaan at masyadong hindi kapani-paniwala. Paano niya nagawang umamin sa 'kin ngayon na mahal niya ako kung una pa lang sinabi niya sa 'kin na hindi dapat ako mahulog sa kanya.
"Please, Kairo, tumigil ka na. B-Baka, baka nabigla ka lang sa mga nangyari. Makakalimutan mo rin 'yan, masyadong impossible. Ikaw pa nga ang nagsabi hindi ba? Hindi dapat ako mahulog sayo, hindi dapat... hindi dapat kita mahalin," mahinang saad ko at paulit-ulit na umiling bilang pagpapakita na hindi ako umaayon sa mga sinabi niya.
Sinubukan kong umupo sa kinauupuan ko at bahagya ko siyang itinulak sa dibdib dahil hanggang ngayon ay nakadungaw siya sa akin. Ngunit imbis na umalis ay hinuli niya ang dalawang kamay ko at pumatong sa ibabaw ko habang ang isang kamay ay nakatukod bilang suporta.
Itinapat ni Kairo ang kanang kamay ko sa kaliwang parte ng dibdib niya kaya naramdaman ko ang pagtibok ng puso niya. Mabilis at malakas ang tibok ng puso niya, ramdam ko ang bawat pintig nito.
"Can you feel my heartbeat? It screams your name, Justine..." sabi ni Kairo sa 'kin habang nakatingin sa mga mata ko. "You're right, I told you that you can't love me, but I fell in love with you, Tine. I can't stop myself from falling for you. I know I am a womanizer, a fucking playboy but I will change for you. When you told me to stop being a womanizer, I followed that because I love you," pagpapatuloy niya at tinitigan ang mata ko.
Nakikita ko sa mga mata niya ang pangungumbinsi, pangungumbinsing paniwalaan ang mga sinasabi niya.
"Tama ka, isang kang babaero kaya paano ako maniniwala sayo. You're a mafia boss, Kairo. You're heartless, merciless and you're a devil. You are good at deceiving people, paano kung nabigla ka lang o hindi mo naman talaga ako mahal." Huminga ako ng malalim at iniwasan ang titig niya sa 'kin. Nakakatunaw ang titig niya, parang hinuhukay ang buong pagkatao ko.
"Obssession is different from love, Kairo," muling tugon ko.
"So this is how it feels ha? The one you love doesn't believe you," mahinang bulong niya na narinig ko. Muli ko siyang nilingon na siyang pinagsisihan ko dahil nakatitig pa rin pala siya sa 'kin.
"Yes, I am merciless, a heartless devil... but my love for you proved that I still have a heart, a heart that only belongs to you," muli niyang kinuha ang kamay ko at nilagay sa bibig niya para halikan.
"Te amo y mi corazón solo te pertenece a tiI."
Kumunot ang noo ko at pinaningkitan siya ng mata nang magsalita siya gamit ang lenguahe na hindi ko maintindihan. Naintindihan ko ang te amo pero ang kasunod nito ay hindi ko na maintindihan. Nagsasalita na naman siya gamit ang lenguahe nila na kahit kailan ay hindi ko talaga kayang kabisaduhin.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...