Chapter 28

598 9 0
                                    

Nagpatuloy ang nagaganap na auction habang sina Justine at Kairo ay nanonood lang. Hinihintay lang nilang matapos at mailabas lahat ng item bago umalis. Pagkatapos ng nabili niyang anklet ay hindi na ito muling nag bidding pa.

"And now, the most awaited part of the event. The stars of the night! Let us all welcome, the queens of auction!" Malakas na sigaw ng emcee na nagpahiyaw sa mga nanonood, lalo na ang mga kalalakihan. Dumilim ang auction hall at tanging mga makukulay lang na ilaw sa stage ang naiwan.

"Fuck! Secure my wife!" malakas na saad ni Kairo nang pati ang ilaw sa stage ay biglang nawala kaya dumilim ang buong auction hall. Agad namang kumilos sina Uno at Drake na agad tinabihan si Justine habang may kanya-kanyang hawak na baril.

"Kai, anong nangyayari?" kinakabahang tanong ni Justine dahil wala silang makita sa sobrang dilim.

"I don't know," inis na sagot nito at hinawakan siya ng mahigpit sa bewang, "Do not leave my side."

Ilang minuto pa ang dumaan pero hindi pa rin bumabalik ang ilaw at pati ang emcee ay hindi na rin nila naririnig na nagsalita. Ang tanging naririnig lang nila sa auction hall ay ang mga kinakabahang boses ng mga taong naroroon.

"Uno, Drake, do not leave Justine's side. Talasan niyo ang pakiramdam niyo," utos nito sa mga tauhan habang hindi inaalis ang kamay sa bewang ng asawa at ang kabila ay may hawak na baril.

"Kai," mahinang tawag ni Justine sa kanya at bakas ang kabas sa boses.

"Don't be nervous. I'm here, I'll protect you at all cost," kalmadong sagot niya sa asawa habang pinapakiramdaman ang paligid.

"Val, what's happening?" tanong ni Drake sa earpiece na suot niya.

"I don't know, kahit kami ay walang makita. Naka stand by lang ang mga sniper natin," sagot nito habang nasa taas pa rin ng auction hall.

Kalmado lang si Kairo at walang mababakas na kaba sa mukha. Sanay siya sa dilim dahil simula ng tumungtong siya ng dose anyos ay sinanay na siya sa mga ganitong pagkakataon. Matalas ang pakiramdam niya kahit na wala siyang nakikita dahil sa dilim. Ganoon din si Val na sinanay bilang assassin kaya sanay din ito sa madidilim.

"Fuck! Hide under the table, Justine!" sigaw ni Kairo nang sunod-sunod na putok ang narinig nila sa buong auction hall.

"Wala akong makita," ganti ng babae sa kanya habang nakahawak ito sa laylayan ng suot niyang tuxedo.

Hinila niya si Justine at sapilitang pinayuko sa ilalim ng lamesa. Sunod-sunod ang murang pinakawalan niya nang marinig ang mga putok at sigawan ng mga tao sa auction hall. Sa dami ng putok ng baril ay hindi niya maaninag kung saan ito nanggaling, idagdag pa na nakipagpalitan ng putok ang ibang taong naroroon kahit na wala silang makita.

Nagliliparan kahit saan ang mga bala ng baril at tinatamaan ang mga taong naroroon. Napapikit at napatakip ng tenga si Justine sa sobrang takot habang nakahawak sa kanya si Kairo.

"Val! Are you there? Naririnig mo ba 'ko?" salita ni Drake sa earpiece niyang suot, rinig na rinig niya ang putukan na nanggagaling sa background ni Valerie.

"Tangina! Patay na lahat ng sniper natin, dalawang tauhan nalang natin ang buhay," pagmumura nito habang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban

"Drake, ask Val where are the possible exits."

"Val, maghanap ka ng maaaring daanan namin ni Miss Justine."

"Nasa likuran ng stage, may daanan palabas," agad na sagot nito.

Napatigil sila nang tumahimik ang paligid at nawala ang mga putok ng baril pero hindi pa rin bumabalik ang mga ilaw. Maya-maya lang ay may narinig silang mabagal na palakpak at malakas na tawa ng matanda na animo'y tuwang-tuwa sa nangyayari.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon