"Ate, ang swerte mo dahil first and last mo si kuya Kalix," panimula ni Johaina habang naghuhugas kami ng pinggan.
"Ah oo, best friend ko siya bago naging asawa," nakangiting sagot ko sa kanya.
"Ibig sabihin ba ay nasa kaibigan ang true love? Hanap na kaya ako ng bff," biro ni Johaina. Napatawa na lamang ako at napailing dahil sa sinabi niya, kahit kailan talaga ang batang 'to napakakulit.
"Hindi naman lahat, 'yung iba nga hindi nasusuklian ang pagmamahal."
Totoo ang sinabi ko. Hindi lahat katulad nang kinahinatnatan namin ni Kairo, naging magkaibigan tapos naging mag-asawa. Hindi porke't nangyari sa amin ay mangyayari rin sa iba. May iba na hanggang magkaibigan lang talaga ang turingan at mayroon ding iba na naging magkasintahan.
May part din na parang susugal ka, isusugal mo ang pagkakaibigan niyo. Syempre, may posibilidad na hindi kayo magkatuluyan at masira ang pagkakaibigan niyo. Sugal naman ang pagmamahal, kumbaga patapangan kung kaya mo ba na mag take ng risk. Wala naman sigurong nagmamahal na hindi nasasaktan.
"Ate, alam ba ni Kuya Kalix na ikaw ang nagpapaaral sa amin ni Myra at ikaw ang sumasalo sa gastusin dito sa bahay?" biglaang tanog niya.
Kumunot naman ang noo ko at tiningnan siya. Para kasing nabahiran ng pagkabahala ang boses niya. Parang nag-aalala siya sa magiging reaksyon ni Kairo.
"Hindi niya pa alam. Ang alam lang niya ay may itinayo akong foundation sa manila. 'Wag kang mag-alala mamaya sasabihin ko sa kanya. Bakit? Ayaw mo ba na malaman niya?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi naman, baka kasi magalit si kuya Kairo. Alam mo na... iba na ang may asawa. Hindi mo kami kadugo pero ikaw ang gumagastos sa amin."
"What do you mean hindi kadugo? Itinuring ko na kayong pamilya, Jo, at alam iyon ni Kairo." Itinigil ko ang ginagawa ko at hinarap si Johaina. "Tungkol naman sa gastos, walang problema si Kairo doon dahil bukod sa sariling pera ko naman ang ginagastos ko, wala namang kaso sa kanya 'yon."
"Sorry ate, ayaw ko lang kasi na magkaproblema kayo dahil sa amin."
"Ano ka ba? Alam mo namang understanding ang kuya Kalix mo basta ako. Hindi iyon papalag," pabirong saad ko sa kanya na ikinatawa rin niya.
"Kawawa si Kuya Kalix sayo, inuunder mo siya. Maldita ka pa naman," sagot niya naman.
"Ouch! Grabe ka naman," tugon ko at kunwaring napahawak sa dibdib na animo'y nasasaktan.
"Johaina is right."
Pareho kaming napalingon sa pinto ng kusina nang marinig ang boses ni Kairo. Nakapamulsa ito at nakasandal sa pintuan habang pinagmamasdan kami. Nagpalit na ito ng damit at tanging short at t-shirt nalang ang suot.
"Kanina pa ba riyan?" gulat na tanong ko
"Nah, just arrived 3 minutes ago," sagot nito at bahagyang lumapit. Umupo ito sa upuan at tumingin lang sa amin na kasalukuyang nagsasabon ng mga pinagkainan namin kanina.
"Ate, ako nalang tatapos nito mukhang hinihintay ka ni Kuya Kalix," saad ni Johaina at kukunin na sana ang sponge pero nilayo ko ito.
"Hindi na, manonood lang siya sa 'tin," tugon ko at binalingan si Kairo. "'Di ba, Kairo?"
"Yeah," tanging sagot niya.
Naging tahimik kami ni Johaina at naging focus nalang sa paghuhugas. Siguro ay nahihiya rin siya kay Kairo. Sino ba ang hindi eh sa bawat galaw namin ay nakatingin lang si Kairo at naghihintay kung kailan ako matatapos.
"Johaina, what year are you now?" biglaang tanong ni Kairo sa kanya.
"Graduating student ako kuya," sagot naman nito
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...