"Kaunti nalang matatapos na 'to, madam," saad ni Gab habang ipinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick sa kanya.
"May lahi ka ma'am?" tanong ni Stacey habang inaayos nilang dalawa ni Brie ang buhok ng dalaga
"Ah yeah, I'm half American. American ang father ko while pure filipina ang mama ko."
"Kaya pala ang ganda mo, pinaghalong american and filipina beauty. Tennennn tapos na, madam." Tumili ito at binigay sa kanya ang salamin, "Tignan mo ang mukha mo, dali! My gosh you're a goddess," patuloy nito at kulang nalang ay lumundag dahil sa sobrang tuwa.
Hindi makapaniwala si Justine habang nakatitig siya sa repleksyon niya sa salamin. Simple lang ang make up niya pero ang ganda niya.
"Madam, baka nand'yan na ang asawa mo. Magbihis ka na, bilis!"
Tiningnan niya ang relo niya at nakitang malapit na mag alas sais ng gabi. Agad niyang kinuha sa box ang gown niya at pumasok sa walk in closet kasama si Stacey para tulungan siya sa pagbibihis. Maingat ang naging galaw nilang dalawa para hindi magulo ang buhok at make up niya.
"Okay na ma'am."
Tumango naman siya at lumabas ng walk in closet. "Ako na ang magsusuot ng heels mo, ma'am, umupo ka nalang d'yan," saad ni Stacey sa kanya.
"Hindi kaya ako madadapa d'yan? Ang taas ng heels eh," kinakabahang saad niya
"Hindi 'yan, madam. Nand'yan naman si Mr. Divinchie para umalalay sa 'yo," sagot naman ni Brie
Tumango nalang siya at umupo sa upuan. 5 inches ang suot niyang heels kaya kinakabahan siya na madapa o matapilok siya dahil hindi siya masyadong sanay na magsuot ng ganito kataas na heels. Nagsusuot naman siya pero hindi umaabot sa 5 inches ang isinusuot niya, kadalasan ay nasa 2 or 3 inches lang.
"Ayan, perfect! Bumaba na tayo, madam dahil naghihintay na sa ibaba ang iyong prince charming," pumapalakpak na saad ni Gab sa kanya.
Samantala....
Panay naman ang tingin ni Kairo sa relo niya dahil malapit ng mag alas sais pero hindi pa rin bumababa sila Justine. Nasa sala siya kasama sina Uno, Drake at ang mga tauhan niya. Lahat sila ay nakahanda na para sa magaganap na auction.
"Boss, relax lang baka nag-aayos pa si Miss Justine," pagpapakalma niya sa amo
"It is already 5:42 in the fucking evening," nauubusang pasensyang saad ni Kairo. Ayaw na ayaw pa naman niya na pinaghihintay siya.
"Ay ayan... " napahintong saad ni Drake nang makitang pababa na sa grand staircase si Justine "na pala boss," nakangangang patuloy niya.
Lahat sila ay napanganga sa itsura ni Justine, kahit ang mga tauhan ni Kairo na nakatayo at deritso lang ang tingin ay hindi naiwasang mapatitig sa dalaga. Tila wala sa sariling tumayo si Kairo at naglakad papunta sa ibaba ng staircase upang hintayin ang pagbaba niya. Hind niya inalis ang tingin sa dalaga at nanatili ang malamig niyang titig rito habang pababa ito ng hagdan.
Nakatingala siya rito at hinihintay ang pagbaba nito. Hindi niya maiwasang mainip dahil habang pababa ito ay mistulang bumagal ang paligid niya. Ni hindi niya napansin ang pagtitig ng mga tauhan niya kay Justine dahil nakatuon lang ang atensyon niya rito.
"She's a goddess," saad niya sa isipan niya.
Hindi niya maipagkakaila na bumagay sa dalaga ang suot niyang gown. Isa itong color black ruched cami gown na tinirnuhan ng kulay itim na 5 inches stiletto. Bumagay sa katawan niya ang suot niyang gown dahil lumitaw ang kurba ng kanyang katawan at litaw rin ang cleavage niya na hindi naiwasang tignan ni Kairo. Mas lalo pang nagbigay ng dating sa kanya ang kulay pula na lipstick at ang braided ponytail niyang buhok.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
Ficción GeneralJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...