Nakanguso ako habang nakatingin kay Kairo na nagbubuhat ng barbell. Pagkatapos naming mag jogging ay dumiretso kami sa gym niya dito sa bahay.
Sabi niya dapat daw mag exercise muna bago simulan ang training para hindi mabigla ang katawan ko mamaya, kaya ito ako ngayon naghihintay na matapos ang 15 minutes break na binigay niya
"Times up!" saad niya ng tumunog ang relong suot niya.
Ibiniba niya ang hawak niyang barbell at lumapit sa 'kin, dahil nga nakaupo ako sa sofa ay nakatingala ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pawis na tumutulo sa dibdib niya dahil hinubad niya ang suot niyang sando kanina.
"Time for stretching, then sit ups minimum of 10."
"10? 'Di pwedeng 5?" saad ko at tumayo na
"No, 10 'cause we need to enhance your durability," sagot niya
Napipilitang tumango ako at hinanda ang sarili para simulan ang stretching. Gusto ko ng matapos 'to para masimulan na namin ang totoong training.
Sabi ni Tito kailangan na naming makapunta sa Italy as soon as possible pero hindi ko alam kung ilang araw tatagal ang training ko. Sinabi ni Kairo kanina na hangga't hindi pa ako handa, hindi niya ako dadalhin doon. Wala raw siyang pakialam kahit pa pumuti ang mata ng council sa kahihintay.
"Just follow what I am doing," muling saad niya
Ginaya ko ang ginawa niyang neck stretching, hinawakan ko ang ulo ko at bahagya itong inilapit sa kanang balikat ko sa loob ng 30 segundos saka inilipat na naman sa kaliwang bahagi
"Pffft," nagpigil ako ng tawa nang ang sunod na ginawa ni Kairo ay shoulder stretching.
"What's funny?" tanong niya at nilingon ako
"Wala ang cute mo," nagpipigil tawa na sagot ko sa kanya.
Iniikot niya kasi ang balikat niya sa paurong at pasulong na paraan habang nakahawak ang mga kamay sa magkabilang bewang
"Be serious," masungit na tugon niya na ikinatawa ko lang.
"Sungit," mahinang bulong ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Ang huling ginawa niya ay pinaikot niya ang bewang pagkatapos ay hinawakan ang kanang paa sa likod at itinaas ito, ganoon din ang kabila
"Okay, now let's proceed to your sit up. Lay on the mat and do the sit up position. I'll hold your feet," utos niya at naglakad kung saan nakalatag ang mat na sinasabi niya.
Agad ko namang ginawa ang sinabi niya at humiga sa mat. Sumunod naman siya at lumuhod sa paanan ko saka hinawakan ang dalawang paa ko para hindi umangat kung sakaling babangon ako.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ko dahil ngumisi siya na parang may kalokohan na naiisip.
"I just remembered something or a position rather," sagot niya na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
Alam ko ang nasa utak nito eh. Puro kalokohan talaga, be serious daw pero siya na naman ngayon ang nagsisimula.
"Isang maling galaw, tatama ang paa ko sa mukha mo," banta ko at nagsimula na.
"As if you can do that," saad niya na ikinaikot lang ng mata ko
"2," bilang niya
Nagpatuloy ako sa pag sisit-up at nasa pang lima pa lang ako pero parang tumitigas na ang tiyan ko. Nagsisimula na ring mamuo ang pawis sa noo at likod ko.
"Don't put your hands on your knee. Put it behind your head," singit niya nang humawak na ako sa tuhod ko para bumangon.
"6, huwag mong higpitan ang pagkakahawak sa paa ko. Kulang nalang mabali iyan," asar na angil ko nang pahigpit na pahigpit ang paghawak niya.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...