Chapter 29

573 7 0
                                    

Patuloy ang iyak at pagpupumiglas ni Justine habang hawak ni Vinhamin ang buhok niya at nakatutok sa leeg niya ang hawak nitong katana, nakangisi naman ang matanda na tuwang-tuwa sa nangyayari. Masyado siyang kumpyansa na mapapatay niya si Kairo dahil ang akala niya ay sina Uno at Drake nalang ang natitira nitong tauhan. Ang hindi niya alam ay patagong gumagalaw si Val at ang iba pang tauhan ni Kairo na kararating lang.

Hindi naman magawang gumalaw nila Uno dahil masyadong delikado ang lagay ni Justine, kunting galaw at diin lang ng matanda sigurong magigilitan ang leeg ng dalaga. Parehong nakatutok lang ang baril nila kay Vinhamin at hindi gumagawa ng hakbang.

"Ano na, Divinchie? Bakit parang natuod ka sa kinatatayuan mo? Akala ko ba wala kang kahinaan?"

"Fuck you, Vinhamin! Ang lakas ng loob mong hawakan ang pagmamay-ari ko," balik na sigaw nito at nakatutok ang baril sa matanda. Naramdaman niya ang pagbaon ng mga kuko niya sa palad dahil sa mahigpit na pagkakakuyom ng kamao niya.

"Tangina! Paano natin maliligtas si miss Justine na hindi siya masasaktan?" inis na tanong ni Uno sa katabi niya

"Hintayin natin ang senyas ni boss. Alam kong may iniisip siyang plano, " sagot naman ni Drake at hindi iniaalis ang tingin sa matanda

Nagtinginan si Uno at Kairo na animo'y nag-uusap gamit ang mga mata. Nang tumango ang amo ay sabay nilang binaril ang natitirang tauhan ni Vinhamin na siyang ikinagulat ng matanda. Lumabas ang nakakatakot na ngisi ni Kairo nang makita niya kung paano nanlaki ang mata ng matanda habang nakatingin sa mga tauhan niyang wala ng buhay. Dalawa nalang silang nakatayo, siya at ang isang tauhan na nakahawak kay Justine.

"Walang hiya ka, Divinchie! Inubos mo ang tauhan ko," galit na sigaw nito at hinila ang buhok ni Justine.

"Pati lahi mo uubusin ko, tanda!" Nakatiimbagang sagot ni Kairo at humakbang papalapit dito "Bitawan mo ang asawa ko kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo ngayon!" muling sigaw niya

Kulang nalang ay sumabog siya sa sobrang galit. Litaw na ang mga ugat niya sa leeg at kamay dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya. Ubos na ang pasensya niya sa matanda, kung hindi lang nito hawak ang dalaga ay kanina niya pa 'to binaril. Kating-kati na ang mga kamay niyang pahirapan ito, kung hindi lang nito idinamay si Justine ay papatayin niya lang ito sa mabilis na paraan pero ngayong pati ang asawa niya ay hinawakan ng matanda, kahit ang anak niya na wala namang kinalaman ay idadamay niya.

"You better remove your hands on my wife's body, Vinhamin. I'm done with your shitty games, free my wife before I lose my control, " mariing banta niya sa matanda. Hindi katulad kanina na may halong pang-aasar pa ang boses, ngayon ay malamig at seryoso na ito at bakas ang galit niya. Pinipigilan niyang kalabitin ang gatilyo ng hawak niyang baril dahil malalagay sa alanganin ang asawa niya.

"Diyan ka lang, Divinchie!" kinakabahang sigaw ng matanda nang magsimula na naman siyang humakbang papalapit rito.

Nakasunod naman sa kanya si Drake at Uno na kapwa nakatutok ang baril kay Vinhamin. Mabagal ang lakad nila habang ang matanda naman ay panay ang atras.

"Diyan lang sabi kayo eh! Ibaba niyo ang mga baril niyo," muling sigaw nito

"Why would I? I don't follow orders from anyone, Vinhamin. I told you even death doesn't me scare me," walang emosyong sagot niya.

"Sige, subukan mong lumapit. Gigilitan ko sa leeg ang babaeng 'to."

Bahagyang huminto si Kairo at sinenyasan ang dalawang tauhan na tumigil.

"Huwag kang susunod sa 'kin kung ayaw mong patayin ko ang babaeng 'to," muling anas nito at umatras nang ilang hakbang. "Ibaba niyo ang mga baril niyo," utos ng matanda sa kanila.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon