Chapter 20

725 9 0
                                    

"Wala ka bang gagawin?" tanong ko sa kanya habang blinoblower niya ang buhok ko sa likuran.

"None, I'll stay here with you."

Pagkatapos ng nangyari kanina ay pinaliguan niya ko at siya rin ang pumili ng damit na susuotin ko. Suot ko ang itim na boxer niya at kulay blue na long sleeves niya na piniko hanggang siko dahil masyadong mahaba sa 'kin.

Ewan ko ba rito kay Kairo, nasa kabila lang naman ang kwarto ko pero hindi man lang nagawang kumuha ng damit ko doon. Tinanong ko siya kanina kung bakit ganito ang trato niya sa 'kin pero ang sagot niya lang ay, "Because I am your husband"

Ang laki talaga ng pinagbago ni Kairo simula nong kinasal kami last week. Ang daming sides niya na ngayon ko lang nalaman.

"Justine," tawag nito sa pangalan ko

"Oh?"

"I have one rule for you."

Kumunot naman ang noo ko at nilingon siya. Anong one rule, one rule na naman ang pinagsasabi nito. Ang dami na niyang hinihiling sa 'kin. Una, bawal ma inlove sa kanya, pangalawa 'yung pagiging standard wife, tapos ngayon another rule na naman.

"Alam mo ang dami mong utos at hiling. Hoy! Ipapaalala ko lang sa 'yo hindi mo 'ko tauhan at hindi lang sayo umiikot ang loob ko ah," malakas na sagot ko sa kanya.

"You're too loud," inis na saad niya at bahagyang inilayo ang mukha sa 'kin. Imbis na sumagot ay inikutan ko lang siya ng mata at sinuklay ang buhok ko.

"It is just a simple rule. I'll give you a curfew, I want you to go home at exactly 10pm."

"Ano? Bakit naman may curfew ako? Nakakainis ka na talaga. Ang sabi mo noon pwede kong gawin lahat. Hindi ka talaga marunong sumunod sa usapan," angil ko habang nakatitig sa kanya. Kulang nalang ay magpang-abot ang dalawang kilay ko dahil sa sobrang pagkakakunot ng noo ko.

"You can still do whatever you want, as long as you won't do anything that can put you in danger. I am a mafia boss, I am true to my words, babe," kumindat ito sa 'kin at inagaw ang suklay na hawak ko. Siya na mismo ang nagsuklay sa buhok ko na hanggang bewang.

"Babe mo mukha mo! Mukha ba akong baboy? Ang dami mong rules at standards, ni hindi ka nga standard husband saka hindi nga kita pinapakealaman sa mga ginagawa mo. Wala nga akong binibigay ni isang rule sayo."

Ang unfair talaga nitong si Kairo, puro pabor sa kanya ang siniset niyang rules. Ni hindi ko nga siya pinapakialaman sa mga pinaggagawa niya sa buhay.

Mahinang tumawa naman ito at inilapit ang bibig niya sa likuran ng tenga ko bago mahinang nagsalita. "Then make me rules. Rule my life, I'm willing to follow as long as it is from you. Make me your standard husband. "

Nanindig ang balahibo ko sa katawan dahil sa mainit niyang hininga na tumatama sa tenga at sa leeg ko. Inaakit na naman ba ako ng lalaking 'to. Nakakainis! Ang sabi niya nong una hindi dapat ako mahulog sa kanya pero sa mga ginagawa niya, siya mismo ang gumagawa ng paraan para mahulog ako sa bitag niya.

"Talaga? Willing mo sundin basta galing sa 'kin? Eh kung sabihin ko sa 'yo na tigilan mo ang pangbababae mo?" ganti ko sa kanya at pasimpleng inilayo ang ulo ko.

"That's it? That's basic," sagot nito na ikinagulat ko

"What do you mean basic? Ititigil mo talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya

"Yeah"

"Weh? Ikaw mabubuhay ng walang babae? Siguro kung susundin mo nga mga ano... mga isang linggo lang, " kunwaring nag-iisip kong sagot sa kanya

"Are you challenging me? Try me then," nanghahamong ganti niya naman sa 'kin

"Tingnan natin," nanghahamon ding sagot ko sa kanya

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon