Chapter 16

441 8 0
                                    

"Hoy galit ka ba?" agad na tanong ni Justine sa kanya pagpasok nila sa mansion.

"I'm not."

"Galit ka eh. Ano ba ang ikinagagalit mo sa 'kin?" pangungulit nito. Huminto naman sa paglalakad si Kairo at binalingan siya ng tingin.

"Ikinagagalit ko? Iyang katigasan ng ulo mo. Nakita mo ba ang lalaki kanina? He is armed, may dalang granada at baril. Paano kung hindi ka nakita ni Uno?" inis na saad ni Kairo kay Justine at pinipigilan ang sarili na sigawan ang dalaga

"Akala ko ba hindi ka galit ? Dati naman hindi ka ganyan kahigpit ah," naiinis na rin na sagot ni Justine

"Hindi ako galit, naiinis lang saka dati 'yon, noong hindi ka pa kasal sa 'kin. Can you just be extra careful ha! My enemy's eye are on you," nagpipigil galit na saad ni Kairo dahil hangga't maaari ay ayaw niyang masigawan ang dalaga.

"Tangina! Mukhang mag-aaway pa yata ang dalawang 'to," kinakabahang saad ni Uno sa isipan niya dahil sa harapan niya nagsasagutan ang mag-asawa.

" 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Eh kung hindi sana ako ang pinakasalan mo, hindi ka sana mamomoblema ngayon," halos pasigaw na sagot ni Justine at kulang nalang ay ipadyak na ang mga paa niya sa sobrang inis kay Kairo

"I'm just telling you to be extra careful dahil iyang katigasan ng ulo mo ang magpapahamak sa 'yo."

"Problema ko na 'yon kung mapahamak man ako. Pwede ba huwag mo akong kontrolin. Hindi mo ako pagmamay-ari," umiirap na ganti ni Justine

"I am not controlling you, and who the fuck said that I don't own you? The day you signed that fucking marraige contract is the day I already owned you," mariing sagot ni Kairo sa kanya

"Mukha mo owned! Ako lang ang nagmamay-ari sa sarili ko."

"This woman!" inis na saad ni Kairo sa isipan niya. Kaunti nalang ay mauubosan na siya ng pasensya sa kakasagot ni Justine sa kanya. Ayaw na ayaw pa naman niya na kinokontra o sinasagot siya.

"Uno wait me at the basement, " baling niya kay Uno na nagpapatay malisya sa likuran nila at kunwaring hindi nakikinig sa usapan nilang mag-asawa.

Inis na naglakad si Kairo paakyat sa kwarto niya at iniwan si Justine sa sala kasama si Uno. Nauubos na ang pasensya niya at kapag ipinagpatuloy pa niya ang pag-uusap nila baka hindi niya mapigilan ang sariling sigawan ang dalaga.

"Hoy huwag mo akong talikuran! Hindi pa tayo tapos," galit na sigaw ni Justine sa kanya ngunit hindi siya nag-abalang lingunin ang dalaga at deri-deritsong lang na naglakad papunta sa kwarto niya. "Bahala ka sa buhay mo, Divinchie!" muling sigaw niya sa lalaki at ipinadyak ang paa sa sobrang inis

"Ikaw lang talaga ang may ganang sigawan at tawagin sa apelyido si boss, Miss Justine," natatawang saad ni Uno sa kanya habang sinusundan ng tingin ang amo

"Siraulo iyang amo mo. Nakakainis, ang sarap sapakin. At least ako matigas lang ang ulo eh siya, ang tigas ng puso."

"Hayaan mo na, Miss. Lalambot din 'yon," umiiling na sagot ni Uno sa kanya habang nakangiti

"UNO, FUCKING STOP TALKING TO HER AND AND GO TO THE FUCKING BASEMENT!"

Nanlaki ang mata ni Uno nang marinig niya ang sigaw ng boss mula sa itaas habang galit na nakadungaw sa kanya. Nagmamadaling iniwan niya si Justine at tumakbo papunta sa pinto kung saan ang papasok sa basement. Si Justine naman ay mabibigat ang hakbang na naglakad paakyat sa kwarto niya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang pumasok si Kairo sa kwarto nito, katabi ng sa kanya. Inis na nilagpasan niya ang kwarto ng binata at padabog na isinara ang pinto ng kwarto niya.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon