"Boss, ayos ka lang?" agad na tanong ni Uno
"Tanginang tanong 'yan, Uno! Nakita mo na ngang nabaril si boss," pilosopong saad ni Drake.
Inirapan siya ni Uno at hinubad ang suot niyang jacket para ibigay sa boss. "Itali mo muna sa sugat mo boss."
Agad namang tumango si Kairo at kinuha ang jacket. Tinulungan siya ni Val na itali ito ng mahigpit sa dibdib niya para mapigilan ang pagdurugo. Si Drake naman ay agad na tinawagan ni Vlad para papuntahin sa mansion, naka duty si Querencia sa hospital kaya ang binata muna ang gagamot kay Kairo. Sapo ang dibdib na akay siya nina Uno at Val pabalik sa kotse habang sina Drake ay hawak si Vinhamin. Ang ibang tauhan niya ay nakasunod naman habang bitbit ang anak nito.
Pagpasok pa lang ni Kairo sa sasakyan ay agad siyang sumandal sa upuan saka tumingala at idiniin ang jacket sa sugat niya. Kahit na natakpan na ng jacket ang sugat niya ay tuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. Nagmamadali namang pumasok sa driver's seat si Uno at agad na pinaandar ang sasakyan.
"Boss, tiisin mo muna ang sakit. Pauwi na tayo, 'wag ka munang mamamatay. Kami ang papatayin ni Miss Justine kapag nagkataon, sa dami namin hindi ka namin na protektahan," kinakabahang saad ni Uno dahil nakapikit na ang mata ni Kairo.
"I am not going to die, Uno. Not yet, I won't leave my wife," nakapikit na sagot ni Kairo. Napangiti naman si Uno dahil sa wakas nagkaroon na ito ng rason para mabuhay. Hindi katulad ng dati na wala itong pakialam kung mamatay man sa laban.
"Stop smiling and keep driving asshole," saad ni Kairo. Napailing na lamang si Uno dahil sa talas ng pakiramdam ng amo kahit na nakapikit.
"Maghanap ka muna kung saan may nagtitinda ng street foods. Bilhan mo ng fries si Justine," tugon ni Kairo at nanatiling nakapikit.
Napamura naman si Uno at napapreno ng marinig ang sinabi ng boss. Hindi makapaniwalang nilingon niya ang amo sa backseat na ngayon ay nakatingin na ng masama sa kanya.
"Fuck! Are you crazy?" galit na tanong nito dahil mas lalong dumugo ang sugat nito dahil sa biglang paghawak ng isang kamay para pigilan ang pagkauntog sa biglaang pagpreno ni Uno.
"Sorry boss pero tama ba ang rinig ko?" gulat na tanong ni Uno
"Yeah," maikling sagot nito
"Pero boss, malala ang tama mo. Maiintindihan ni Miss Justine kung hindi ka makakabili," kontra ni Uno sa amo
"No, buy her what she wants."
Paulit-ulit na nagmura si Uno at mas lalong binilisan ang pagmamaneho. "Boss mauna nalang tayo, sina Drake nalang ang utusan natin," pangungumbinsi pa niya dahil talagang nag-aalala siya sa kalagayan ng amo.
"N-No, do what I said," nauutal na sagot nito. Puno na ng dugo ang jacket niya at mabibigat na rin ang paghinga nito.
"Ang sobrang pagmamahal mo kay Justine ang papatay sayo," saad ni Uno sa utak niya
Samantala nagtaka naman sina Drake ng mag-iba ng daan ang sasakyan nina Uno. Inis na pinantayan niya ang sasakyan ng mga ito at binuksan ang bintana ng kotse niya. "Anong ginagawa mo? Hindi ito ang daan papunta sa mansion," inis na sigaw ni Drake mula sa sasakyan
"Bibilhan muna daw ni boss si Miss Justine ng fries," sigaw pabalik ni Uno
Gaya ng reaksyon ni Uno ay paulit-ulit rin na napamura si Drake. "Masyadong delikado ang sitwasyon niya," tugon niya naman rito
"Ayaw paawat."
"Bilisan mo ang pagpapatakbo. Kung kailangang paliparin mo ang sasakyan, gawin mo," saad ni Drake bago bumalik sa posisyon niya kanina. Nakasunod ang sasakyan niya sa sasakyan nila Uno.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
Ficción GeneralJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...