Chapter 43

522 6 2
                                    

Third Person's POV

"Remember what I said, lock the door and the windows including the veranda when you'll go to sleep," bilin ni Kairo sa kanya. Lumapit ito sa kanya at dinampian siya ng halik sa noo. "I'm going, Demitri and my other capos are outside. Tell them if you need anything," muling bilin nito at lumabas na ng kwarto.

Gaya ng nakasanayan ay lumabas si Kairo ng kwarto niya na walang emosyon ang mukha. Nadaanan pa niya ang limang capo na nakatayo ng tuwid sa labas ng kwarto niya.

Dumiretso siya sa basement at bumungad sa kanya sina Drake, Uno at ang iba pa niyang tauhan na sasama sa kanya. Hawak ng mga ito ang halos hindi na makatayo na anak ni Vinhamin. Gaya niya ay nakahanda na rin ang mga ito sa mangyayaring laban.

"Boss," saad ni Drake at binigay sa kanya ang earpiece. Isinuot naman niya ito at tumango.

"Let's go, bring that fucker. Sa likod tayo dadaan dahil baka bumaba si Justine," saad niya sa mga tauhan.

Nagsitanguan naman ang mga ito at binitbit ang anak ni Vinhamin. Nakatali ang mga kamay nito at ang bibig ay may busal para hindi makagawa ng ingay kahit na wala na itong dila. Agad na isinakay ng mga ito sa sasakyan ang lalaki at agad na nagmaneho.

Nauna ang isang sasakyan ni Kairo na sakay ang limang tauhan niya at nakasunod naman dito ang sasakyan kung saan nakasakay ang anak ni Vinhamin at ang apat pang tauhan niya. Nasa pangatlo ang sasakyan ni Kairo na sinusundan ng sasakyan nina Drake at Uno. Ang natitirang dalawang sasakyan ay may nakasakay pa na mga tauhan niya.

Anim na magkakasunod na sasakyan at lahat ay puro makikintab. Kahit sino ay hindi maiiwasang mapatingin sa mga magkakasunod na sasakyan nila lalo na't puro itim ang mga ito.

Napatingin si Kairo sa cellphone niya nang tumunog ito, bumungad sa kanya ang naka peace sign na mukha ni Justine. "What? Is there a problem?" bungad niya sa dalaga

"Wala, gusto ko lang sabihin na bumili ka ng fries, 'yung luto na ah. Dalhin mo pag-uwi mo," sagot naman nito sa kanya

Napailing naman siya habang ang mga tauhan niya ay nagpipigil ng tawa. Naririnig kasi nila ang usapan ng dalawa sa cellphone dahil nakakonekta ang earpiece nila sa earpiece ni Kairo.

"Just order online or ask my men to buy," sagot niya sa dalaga

"Bumili ka nalang pag-uwi mo. Mayaman ka naman, kaltasan mo muna ang pera na ibinayad sayo ng ka transact mo. 'Yon lang, bye!"

"But—" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang ibaba ni Justine ang tawag. Napabuntong hininga na lamang siya at ibinaba ang cellphone. Kung alam lang nito na hindi naman talaga transaction ang pupuntahan niya.

Tahimik lang nilang binabaybay ang daan papunta sa abandonadong building na sinasabi ni Vinhamin. Nang makapasok sila sa isang kalye, puro puno at matataas na damo na ang bumungad sa kanila. Huminto sila sa isang bakanteng lote sa likod ng abandonadong building kung saan sila magkikita. Agad na bumaba si Kairo ganoon din ang mga tauhan niya.

"Val?"

"Walang trap sa likod boss, nasa harap lahat ng tauhan ni Vinhamin. Nagtatago ang iba sa kanila sa mga poste at sa pangalawang palapag. May nilagay na bomba si Vinhamin sa unang poste sa harap," sagot ni Val sa kanya sa earpiece habang nakatutok ang paningin sa monitor kung saan nakakonekta ang mga camera na ikinabit nila.

"Drake, defuse the bomb"

Sumenyas si Kairo sa mga tauhan na tahimik na pasukin ang loob ng building na agad namang sinunod ng mga ito. Isa-isa nilang nilabas ang mga baril nila at pumasok sa building. Naunang pumasok ang limang tauhan niya at sumunod naman si Kairo na hawak na ngayon ang anak ni Vinhamin habang may hawak na baril na nakatutok dito.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon