Chapter 48

664 7 0
                                    

Warning⚠️⚠️⚠️ This chapter contains matured content including sexual scenes and strong language. Please skip this part if you may find it uncomfortable. (Please do skip this chapter kung hindi po kayo komportable, may slight spg po ang chapter na 'to.)

Lulan kami ng private plane ni Kairo papuntang Negros. Magkatabi kami at nasa may bintana ako, pinili ko talaga na dito umupo kasi gusto kong panoorin ang ulap at mag take ng pictures, pang flex sa instagram at facebook. Pwede rin naman sa tiktok kasi may tiktok account ako.

Nasa loob ng isang carrier si Roro at nakalagay sa ilalim ng upuan sa harap namin na inuupuan nina Uno at Val.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para mag take ng pictures. Ganoon na lamang ang dismaya ko nang makita kong 3% nalang ang battery percentage nito. Nakalimutan ko kasing i-charge kaninag umaga, tapos naglaro pa ako kanina habang nasa van kami.

Nakasimangot na ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa at nilingon si Kairo na tahimik na nakikinig ng music galing sa cellphone niya. Nang maramdaman niya na may nakatingin sa kanya ay binaba niya ang suot niyang headphone.

Kumunot ang noo niya nang makita ang nakasimangot kong mukha. "Why are you frowning, dwarf? Did I do something?"

Umiling naman ako bago sumagot "Wala naman, lowbat na ang cellphone ko. Gusto ko sanang kumuha ng pictures. 'Di bale matutulog nalang ako."

Nag-unat ako at isinandal ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Pipikit na sana ako nang makita ko ang kamay ni Kairo na nakalahad sa harap ko habang hawak ang cellphone niya.

"Use mine," biglaang saad niya

Nagdadalawang isip naman ako kung tatanggapin ko ba dahil ginagamit niya kanina.

"Sigurado kang ayos lang gamitin ko ang cellphone mo?" paninigurado ko sa kanya. Baka kasi magbago ang isip niya at huwag nalang ipahiram.

"Yeah, you can take pictures using my phone. Use my cellphone and do whatever you want," tugon niya at nanatiling nakalahad ang mga kamay.

"Do whatever I want? Pwede kong i-open ang facebook at messages mo?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Yeah, you can read my text messages but I don't have any social media accounts."

Hindi na ako nagulat nong sinabi niyang wala siyang kahit anong social media account dahil napakaprivate niyang tao. Hindi rin siya 'yung tipong mahilig makipagsocialize at uupo para mag scroll sa social media. Busy siyang tao kaya palaging papel at laptop ang kaharap niya.

"Sure ka? Privacy mo 'yon," hindi naniniwalang tanong ko

"I already gave you my permission, and besides you're my wife. You can access my phone and my text messages anytime you want."

Sa huli ay tinanggap ko ito. Samsung Galaxy Z Flip6 na color black ang cellphone niya. Sa pagkakaalam ko, latest model 'to.

"Ano ang pin?" tanong ko sa kanya dahil may pin ang cellphone niya.

"Our wedding date."

Nagulat naman ako at muli siyang nilingon. Ginawa niyang password ang date ng kasal namin? Napailing na lamang ako at sinubukan ang numerong 07162024. Totoo nga ang sinabi niya dahil agad na unlocked ang cellphone.

Pumunta ako sa camera at namangha dahil sa linaw nito. Mas malinaw pa sa camera ng cellphone ko, sayang lang dahil hindi siya mahilig kumuha ng pictures.

Itinapat ko ito sa bintana ng eroplano at kinuhanan ang mga ulap, siniguraro ko rin na makukuhanan ang pakpak ng eroplano. Ilang take ang nakuha ko bago ko itinapat sa mukha ko. Nakangiti ako ng malaki habang nagse-selfie sa cellphone niya.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon