"Welcome sa lugar na binansagang "City of Gentle People" Dumaguete City!" sigaw ko pagkababa namin sa eroplano.
"Nasa Dumaguete na tayo, miss?" tanong ni Uno sa 'kin.
Tumango-tango naman ako at pumalakpak. Naglakad kami papunta sa waiting area para hintayin ang mga bagahe namin. Kalalapag lang ng private plane na sinakyan namin.
Hawak ni Kairo si Roro habang ako ay hawak ang cellphone niya. Ang sabi niya kasi kanina ay ako muna ang humawak.
Sina Uno at Drake ang nag-asikaso ng mga bagahe namin habang kami ay hinihintay lang sila. Hindi naman masyadong matagal dahil ilang sandali lang ay nakita na namin sila na hila-hila ang mga maleta namin.
"Saan na tayo miss?" tanong ni Uno paglapit nila sa amin.
"Terminal muna tayo ng bus para makarating tayo sa kanila. Hindi kasi ako nagpasundo para surprise ang pag-uwi ko," sagot ko sa kanya.
Tumango naman sila kaya tumalikod na ako para maunang maglakad. Si Kairo ay mukhang bodyguard ko, pano ba naman kasi nauna akong naglakad sa kanya tapos siya ay nasa may left side ko. Deritso lang ang tingin niya tapos ang laking tao pa niya.
Pansin ko ang panglingon at pagtitig ng mga taong nadaraanan namin. Sino bang hindi mapapalingon kung may kasama kang mga gwapo at matatangkad na foreigner.
"Sasakay muna tayo ng tricycle papuntang terminal," saad ko sa kanila paglabas namin sa airport
"What?"
"Ano po?"
"Huh?"Magkakasabay na tanong nila Kairo sa sinabi ko. Napairap na lamang ako at nilingon sila sa likuran ko. Humawak ako sa bewang ko at asar na tiningnan sila.
"Paulit-ulit? Huwag kayong magreklamo at maging maarte ah. Kayo ang nagpumilit na sumama sa 'kin. Isang reklamo na maririnig ko sa inyo at pababalikin ko kayo sa Manila. Lalo ka na Kairo, umayos ka," pinandilatan ko sila ng mata kaya agad silang tumango. Tiningnan ko naman si Kairo na napipilitan nalang din tumango.
"Sakay mo ma'am? (Sasakay po kayo ma'am)?" tanong nong tricycle driver na lumapit sa 'min.
"Ah opo, manong. May kasama po ba kayo? Hindi kasi kami kasya sa isang tricycle, may dala po kaming mga maleta," tugon ko at nginitian ang driver.
Tumango naman siya at tinawag ang dalawang kasamahan niya na dumaan. Sa isang tricycle isinakay ang mga gamit namin. Nauna akong sumakay sa harap, sina Uno, Drake at Val naman sa likod. Natawa pa nga ako dahil si Uno ang umupo sa likod ng driver.
Wala naman siyang reklamo at nakangiti lang, mukha pa ngang excited siya. Ang limang capo naman ay nasa pangalawang tricycle. First time nilang lahat sumakay pero wala naman akong narinig na reklamo.
"Ouch!"
Nagpigil ako ng tawa nang mauntog si Kairo pagpasakay niya sa tricycle. Masyado kasi siyang matanggad kaya kahit nakayuko ay nauntog pa rin siya.
"Ayos ka lang?" natatawa kong tanong habang hawak si Roro
"Tsk!"
Umiling nalang ako habang nagpipigil ng tawa.
"Saan tayo ma'am?" tanong nong tricycle driver na sinasakyan namin.
"Sa bus terminal ho. Medyo malayo, ayos lang?"
Tumango naman ang driver at nagsimula nang magmaneho. Natatawa ako kay Kairo kasi nakasimangot lang talaga siya at bahagyang nakayuko dahil masyado siyang matangkad.
Pffft! Ayan kasi pinipilit na sumama sa 'kin, 'yan tuloy. Alam kong sa loob-loob n'yan gusto na niyang magreklamo.
"Ma'am boyfriend mo ba 'yang katabi mo?" biglang tanong ni manong.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...