Chapter 1

913 8 0
                                    

Justine's POV

Naiinis na paulit-ulit kong tinatawagan ang cellphone ni Kairo dahil ang magaling na hinayupak ay mukhang napasarap yata sa ginawa niyang kalokohan kagabi at nakalimutan n'yang bibisitahin namin ang cite na pagtatayuan niya ng bagong branch ng mall niya.

"Peste talaga!"

Inis na inihagis ko ang cellphone ko sa likuran ng kotse ko at pinaharurot ito papunta sa condo unit ni Kairo.

Malamang nasa condo niya iyon dahil paniguradong nag-uwi na naman iyon ng babae. Hindi niya kasi dinadala ang mga babae niya sa mansion niya dahil ang babaeng mamahalin niya lang daw ang makakapasok doon pero syempre exempted ako.

Sunod-sunod na pinindot ko ang doorbell ng condo niya dahil kanina pa tawag ng tawag ang secretary niya na naghihintay na raw ang kasama naming engineer na titingin sa cite.

"Woah! easy there, witch."

Sinamaan ko siya ng tingin at deritsong pumasok sa kwarto niya.

"Saan mo itinago ang babae mo?"

Wala na kasing ibang tao sa condo niya at tanging mga nagkalat na unan at kumot na lang ang natira.

"She's gone, I send her away this morning," sagot naman nito.

Naka pamaywang na hinarap ko siya at inis na binato siya ng unan.

"Kung ganon ano pang tinutunganga mo riyan Kairo? Kanina pa tawag ng tawag si Faye. Nakalimutan mo ba na bibisitahin natin ang cite na pagtatayuan ng mall mo."

Hay naku! Hindi ko naman 'to problema pero ako ang sumasalo ba't ba kasi nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ng mokong na 'to.

Kung hindi kasi dahil sa mga bouncer doon sa club na pinuntahan ko dati, edi sana hindi ko nakilala ang gagong 'to pero ayos lang dahil libre ako sa kahit anong bar, club at mall ako pupunta basta sabihin ko lang na kaibigan ko si Kairo. Isa pa si Kairo ang walking ATM ko dahil kahit unang oras ay pwede akong umutang ng pera sa kanya.

Ikaw ba naman magkaroon ng bilyonaryong kaibigan para ka talagang nakahiga sa ulap, pero don't get me wrong I love Kairo as my best friend mula ng naging kaibigan ko siya ay nagkaroon na ako ng karamay sa buhay.

"I'm the boss so I'll work whenever I want. Obligasyon nilang hintayin ako dahil ako nagpapasahod sa kanila."

Such an arrogant man wala talagang pakialam sa ibang tao.

"Bilisan mo, Kairo baka sipain kita!"

Hindi na ito sumagot at pumasok na lang sa banyo.

Panay ang tingin ko sa relo ko dahil mag iisang oras na yata ang demoyong 'yon sa banyo at hindi pa rin lumalabas. Nanadya talaga ang siraulong 'yon. Alam na ngang nagmamadali kami kasing kupad pa ng pagong kung kumilos.

"Ano pa ba ang tinutunganga mo riyan, Kairo, tatayo ka na lang d'yan buong araw?"

Nakatayo lang kasi ito at tanging towel lang ang nakatakip sa katawan.

"How can I change my clothes when you're here? Unless you want me to strip in front of you."

Napabuntong hininga na lang ako at agad na lumabas ng kwarto niya.

Si Kairo lang yata ang mafia boss at CEO na kilala ko na sobrang kupad kumilos at daig pa ang pagong, pero kung babae ang usapan ay susko! Mas mabilis pa ni Flash kung kumilos.

"Let's go."

Hindi kagaya kanina na napakapilyo ng dating niya, ngayon ay naka formal suit na ito at seryoso na ang mukha.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon