Chapter 50

594 9 5
                                    

"Ang dami ngang sugarcane, miss," saad ni Uno nang dumaan kami sa isang lungsod na maraming tanim na tubo. Tudo video si Drake sa mga nadadaanan namin at halata sa mukha nila na tuwang-tuwa sila.

Nilingon ko naman si Kairo na natutulog at nakasandal sa balikat ko ang ulo. Nakakaawa siya tignan, matangkad kasi siya tapos maliit ako kaya tudo adjust ang katawan niya na makasandal siya sa balikat ko.

"Miss, asan na tayo?" tanong ni Uno nang huminto ang sinasakyan naming bus sa isang bus stop.

"Medyo malayo pa tayo. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Municipality of Manjuyod tayo. Kalma lang kayo, marami pa tayong madadaanan na magagandang view," natatawang sagot ko.

Mukha kasi silang hindi mapakali sa kinauupuan nila at panay ang tingin sa labas. Ewan ko kung excited ba sila na makauwi kila nanay o nangangalay na sila kakaupo.

Muling umandar ang sinasakyan naming bus kaya sina Drake ay bumalik sa pagvi-video. Nakikita ko na nga sa mukha ni Val na parang naiinis na siya kasi minsan ay nasasagi siya ni Drake. Ang resulta, nakipagpalit si Val kay Drake kaya magkatabi na sila ni Uno at si Drake na ang nasa may bintana.

Sinuot ko na lamang ang headphone ni Kairo at nanood ng tiktok. Dinownloadan ko kanina ng facebook at tiktok ang cellphone niya, syempre account ko ang naka log in kasi wala naman siyang social media accounts.

"Kai, gising!" paggising ko sa kanya nang makarating kami sa part kung saan nakadungaw sa dagat ang dinaraanan naming kalsada.

"Why?" nagtatakang tanong nito na tila nabigla sa paggising ko sa kanya

"Look at the view," utos ko at itinuro ang bintana.

Nakita ko ang gulat at pagkamangha sa mukha niya nang makita kung ano ang itinuturo ko.

"Such a lovely place," saad niya at hindi inaalis sa labas ang tingin. Kumikinang ang kulay asul na dagat dahil sa sinag ng araw na tumatama rito. Nakadungaw ang kalsadang dinaraanan namin sa malawak na dagat kung saan makikita ang mga maliliit na alon.

"Malayo pa ba, dwarf?" tanong ni Kairo

"Malapit na tayo, konti nalang makakarating na tayo kila nanay," nakangiti kong sagot

Tumango naman siya at tiningnan ang hawak kong cellphone. Nakapause lang kasi ang video na pinapanood ko sa tiktok.

"Sorry, nag download ako ng tiktok."

"It's fine, what are you watching?" tanong nito.

Binaba ko ang suot kong headphone at dinisconnect sa cellphone ni Kairo para dalawa kaming makakarinig.

"Iba-iba pinapanood ko, depende kung ano ang dumaan," sagot ko at ipinakita sa kanya ang pinapanood ko.

Dalawa kaming nanonood ng tiktok habang nakasandal ako sa may balikat niya. Parehong kumunot ang noo namin nang dumaan ang isang video na tungkol sa kanya. Edited video niya ito at masasabi kong napakatalented ng nag edit, lahat ng anggulo ay sobrang pogi niya.

"The handsome CEO of Divinchie Empire," basa ko sa caption. Tumingin naman ako sa kanya at kunwaring sinusuri ang mukha niya. "Gwapo ka pala? Hindi halata," pang-aasar ko sa kanya.

"Are you sure? How about making you scream on my bed so you'll know how handsome I am while I'm fucking you," nangising tugon niya na ikinalaki ng mata ko.

Pasimple kong inilibot ang mata ko sa bus para malaman kung may nakarinig ba sa sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang busy sa pagvi-video sina Drake at si Uno naman ay nakasuot ng earphones.

Inis na binalingan ko si Kairo at kinurot siya ng pino sa tagiliran. Agad naman siyang napalayo sa akin at hinimas ang parteng kinurot ko.

"Iyang bunganga mo, ayusin mo," inis na saad ko.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon