Chapter 55

504 11 0
                                    

"Sa inyo ang buong lupain na ito, miss?" gulat na tanong ni Drake sa 'kin nang makababa kami sa sasakyan at bumungad sa kanila ang malawak na palayan.

"Yep! Sa lolo ko actually, ipinangalan lang sa 'kin. Tagapagmana for today's video," natatawang tugon ko at nauna nang naglakad sa kanila.

"Swerte ng magiging anak ninyo ni boss, miss. Sa kanya lahat mapupunta ang mga ari-arian at pera niyo. Magiging katulad ni boss na tinaguriang "walking gold" ng Divinchie Empire."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Uno at napahinto sa paglalakad. Lupain lang topic namin ah? Bakit napunta sa anak? Real quick ah.

"Pinagsasabi mo d'yang anak? 'Di mo sure," saad ko at sumabay sa paglalakad kay Kairo na ngayon ay nakangisi at tila nagugustuhan ang usapan namin ni Drake.

"Hija, dadating ka talaga d'yan saka bakit ka ba nahihiya eh may asawa ka naman," gatong ni nanay na ikinasimangot ko, akala ko ba kakampi ko siya rito.

"Wala pa po sa isip namin 'yan saka bata pa naman ako," angil ko at inangat ang tingin kay Kairo para makita kung anong reaksyon niya sa naging sagot ko.

"Baka sayo wala, kay Kalix meron. Alam mo na, baka gusto na ng tagapagmana ng asawa mo," muling tugon ni nanay.

Sasagot na sana ako nang tumikhim si Kairo sa tabi ko. Umakbay siya sa 'kin at binagalan ang paglalakad para hindi ako maghabol sa hakbang niya. Malaki kasi ang hakbang niya, ang isang hakbang niya ay dalawa sa akin.

"My wife is right, we are still young. Marami pa kaming mga bagay na gustong gawin. Kung hindi pa gusto ni Justine na magkaanak, walang kaso sa 'kin 'yon. Kahit nga sabihin niya sa 'kin na ayaw niyang magkaroon kami ng anak, it is totally fine with me. Walang problema sa 'kin, it is her body afterall. Karapatan niyang mag desisyon para sa sarili at sa katawan niya. Ayokong prinipressure ang asawa ko, lalo na kapag ibang tao ang gumagawa non," seryosong singit ni Kairo habang hindi manlang ako tinatapunan ng tingin. Deritso lang ang tingin niya sa dinaraanan namin.

Lahat kami ay natahimik at hindi kaagad nakasagot sa mga sinabi ni Kairo. Kahit nga sina nanay ay tila hindi alam kung ano ang isasagot sa kanya. Hindi ko inexpect na sasagot siya ng ganoon, ang akala ko kasi ay tatahimik lang siya at makikinig lang sa usapan namin dahil hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig makisali sa mga usapan.

"Pasensya na hijo, hindi ganoon ang gusto kong iparating. Hindi ko naman prinipressure si Justine, huwag mo sanang pag-isipan ng masama ang mga sinasabi ko," paghingi ng dispensa ni nanay.

Actually, wala namang problema sa akin kung gusto nang magkaanak ni Kairo. Nasa tamang edad na naman ako at kasal na kaming dalawa. Handa na rin ako sa bagay na 'yon, pero gaya nga ng sinabi niya, marami pa akong mga bagay na gustong gawin kasama siya. Baka kapag nagkaanak na kami, hindi na namin 'yon magagawa. Gusto kong kapag nagkaanak na kami, nasa anak na namin ang buong atensyon ko.

"Ayaw ko lang na prinipressure si Justine, she's my wife and my best friend. I know her very well, alam ko kung kailan niya gusto o hindi ang isang bagay," muling saad ni Kairo.

Tiningala ko si Kairo at tiningnan ang mukha niya, tinatantya kung galit ba ang ekspresyon niya. Nang maramdaman niya ang pagtitig ko sa kanya ay yumuko siya para tingnan ako.

I mouthed him "thank you" and give him a smile. Hindi naman siya sumagot at ginulo lang ang buhok ko sabay ngiti. Ito 'yung palagi niyang ginagawa sa 'kin dati kapag gusto niyang magsabi ng ayos lang o welcome.

Pagkatapos magsalita ni Kairo ay tila wala nang gustong magsalita sa kanila kaya pinili ko na lang ding tumahimik.

"Ma'am asan po 'yung mga mangga rito?" tanong ni Drake na siyang bumasag sa katahimikan. Siguro ay nagtataka siya dahil ang mga nadaraanan lang namin ay mga palayan.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon