Mamayang gabi na gaganapin ang auction na dadaluhan namin ni Kairo at alas syete pa lang ng umaga pero hindi ko na siya naabutan. Kinatok ko ang kwarto niya kanina pero walang sumasagot. Oo, kahit na may nangyari na sa aming dalawa at umiba na ang pakikitungo niya sa 'kin ay magkahiwalay pa rin kami ng kwarto.
Tahimik ang buong mansion at tanging ako lang ang mag-isang kumakain dito sa dining table, may tatlong kasambahay at limang tauhan naman si Kairo na nakatayo sa harapan ko at pinapanood lang akong kumain. Inaya ko sila kanina pero tanging iling lang ang naging sagot nila. Sila Uno at Drake naman ay kahapon ko pa hindi mahagilap.
Napalingon ako sa isang tauhan ni Kairo nang pumasok ito sa dining room at yumuko sa harap ko bago nagsalita, "Ma'am, narito po ang designer niyo. Dala ang gown na gagamitin niyo mamaya."
"Ah sige susunod ako, pakihintay nalang ako sa sala ha," sagot ko sa tauhan niya at tinapos ang kinakain ko
"Copy, ma'am," yumuko ito sa harapan ko bago tumalikod paalis
Nang matapos ko ang kinakain ko ay tumayo ako at lumabas na ng dining table. Hindi ko na tinangkang ligpitin ang pinagkainan ko dahil noong nakaraan ay nataranta sila sa pagpigil sa 'kin dahil sila raw ang pagagalitan ni Kairo.
Agad na tumayo si Maxine at ang assistant niya nang makita niya akong palabas ng dining room. Dala niya ang isang kulay pink na box, marahil ay nasa loob non ang gown na gagamitin ko mamaya.
"Good morning, Ma'am Justine," nakangiting bungad nila sa 'kin.
"Hi! Good morning din sa inyo. Upo kayo," ngumiti ako at inanyahan sila para umupo ulit na agad naman nilang sinunod.
"Ma'am, narito na po ang gown niyo. Pwede niyo pong buksan para makita niyo," inilahad nito ang kahon sa harapan ko na agad ko namang tinanggap. Nakikita ko sa kanilang mukha ang labis na kaba, siguro kinakabahan sila na baka hindi ko magustuhan ang design.
Gulat at pagkamangha ang rumihestro sa aking mukha nang buksan ko ang kahon na naglalaman ng gown ko. Ang ganda ng gown, hindi ko akalaing tatlong araw lang ang ginugol nila para ayusin ang gown ko.
"Grabe! Tatlong araw lang ang ginugol niyo para tahiin ang gown na 'to? Ang ganda," manghang saad ko sa kanila. Nakita ko naman kung paano sila nakahinga ng maluwag ng marinig ang sinabi ko.
"Akala namin ma'am hindi mo magugustuhan."
Nilingon ko naman si Maxine na may halong pagtataka, "Bakit naman hindi eh ang ganda nga."
"Masaya kaming nagustuhan mo ang design namin ma'am. Noong tumawag kasi sa amin si Sir Uno na may event kayong pupuntahan at kailangan niyo ng gown, agad kaming gumawa ng design," may bahid ng saya na sagot niya sa akin habang hindi mawala ang mga ngiti nilang dalawa.
"Mukhang matagal niyo ng kilala si Kairo."
"Sinong Kairo ma'am?" nagtatakang tanong ni Maxine saka nilingon ang assistant niya na nagtataka rin.
Napakamot nalang ako sa noo at awkward na nginitian sila. Ako lang pala ang tumatawag sa kanya ng Kairo dahil halos lahat ng tao ay kilala lang siya sa pangalang Kalix.
"I mean Kalix. Pasensya na, nakasanayan ko na kasing tawagin siyang Kairo..."
"Ay you mean si Sir Kalix, ma'am? Medyo matagal na po, company po kasi namin ang binibilhan niya ng mga damit. Investor din po namin siya..." Huminto siya saglit at tila nagdadalawang isip kung itutuloy ba ang sasabihin, kalaunan ay ngumiti ito at ipinagpatuloy ang pagsasalita niya. "Pihikan po si Sir, minsan inaayawan niya po 'yung mga design namin."
Ngumiti ako at napailing na lamang. Ano nga ba ang aasahan ko kay Kairo, maarte ang isang 'yon at hindi iyon papayag na hindi masunod ang gusto niya. It's either, his way or no way. Gagawa at gagawa iyon ng paraan para masunod lang ang gusto niya.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...