Sunod-sunod ang mura na pinakawalan ni Kairo nang magising siya dahil sa pagtunog ng cellphone niya. Paulit-ulit ang pag ring nito at hindi tumitigil. Nilingon niya si Justine na mahimbing pa rin ang tulog at nakaunan sa braso niya, saka kinuha ang cellphone sa tabi niya.
"What the fuck do you want?" bungad niya na hindi tinitingnan kung sino ang caller
"Hayop ka, Divinchie! Pakawalan mo ang anak ko! Demonyo ka!"
Nailayo niya ang cellphone sa tenga niya nang sumigaw ang caller. Napangisi siya at dahan-dahang inalis sa pagkakaunan sa braso niya si Justine.
"Vinhamin, did you like my present?" pang-aasar niya rito.
"Pakawalan mo ang anak ko! Wala siyang kinalaman sa organisasyon-"
Pinutol niya ang sasabihin ng matanda at mariing nagsalita, "And how about my wife? Is she involve in my organization? She is crying while begging you to release her, but what did you do?" galit na tanong niya.
Umalis siya sa kama at kumuha ng sigarilyo sa drawer niya saka pumunta sa veranda para hindi magising ang asawa niya.
"Tangina mo! Ibalik mo ang anak ko," sigaw nito sa kabilang linya
Humalaklak si Kairo at sinindihan ang sigarilyo niya bago muling sumagot. "Hmm, what if I don't? I enjoyed playing with your son."
"Ano ba ang gusto mo para ibalik mo ang anak ko ha?"
Binuga niya ang usok sa sigarilyo niya at mahigpit na humawak sa railings bago sumagot. "Nothing, I just want to kill you. It's either you show your self to me or I will make your son suffer," huminto siya saglit at kunwaring may nakalimutang sabihin, "Oh! And remember, I won't kill him, I will just make him suffer," muling saad.
Napangisi siya ng marinig ang sunod-sunod na mura ng matanda sa kabilang linya.
"I will show my self to you, Divinchie. Mamayang gabi sa isang abandonadong gusali malapit sa mansion ko, alam kong alam mo kung nasaan 'yon," matigas na saad nito at puno ng determinasyon ang boses
"Why are you in a hurry? I thought you want to play hide and seek with me?" nang-aasar na tanong niya.
Hindi nga siya nagkamali, si Vinhamin mismo ang lalapit sa kanya para sa anak nito. Malas niya lang dahil ang binangga niya ay isang taong walang puso na handang patayin lahat ng kakalaban sa kanya.
"Dalhin mo ang anak ko mamayang gabi, Divinchie," saad nito bago pinatay ang tawag at hindi na siya hinayaang sumagot.
"I will still kill both of you," saad ni Kairo sa utak niya
Ito ang plano niya, hahayaan niyang si Vinhamin mismo ang lalapit sa kanya gamit ang anak nito para hindi na siya mahirapan pang maghanap. Tanga lang ang matanda dahil ang akala nito ay hindi malalaman ni Kairo na may anak siya.
Kahit pa dalhin niya mamaya ang anak nito ay hindi pa rin niya ito papakawalan. Pagsasamahin niya muna ang dalawa para pahirapan bago patayin. Ito ang kabayaran sa ginawa nila kay Justine, triple ang magiging kapalit sa kasalanan nila. Wala siyang pakialam kahit magmakaawa pa ito sa kanya.
Tahimik lang siyang nagmamasid sa mga tauhan niya na nagbabantay sa buong paligid ng mansion habang iniisip ang magiging plano niya para mamayang gabi. Alam niyang paghahandaan ito ni Vinhamin dahil pursigido itong bawiin ang anak niya at patayin siya.
"Alas sais pa lang ng umaga naninigarilyo ka na."
Nilingon niya ang asawa na kakagising pa lang at nakaupo sa kama habang kinukusot ang mata nito. Nakakunot ang noo nito at nakatingin sa sigarilyong hawak niya.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...