Chapter 66

340 10 1
                                    

"Kailan mo ba ako tuturuan gumamit ng baril?" nakabusangot na tanong ko kay Kairo habang nagpapahinga kami.

Alas nwebe pa lang ng umaga pero pagod na ang katawan ko dahil alas kwatro pa lang ay sinimulan na namin ang training. Pangatlong araw na ng training ko ngayon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakahawak ng baril o kahit anong armas dahil naka focus si Kairo sa physical defense.

"When you can already defeat me."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sagot niya at agad siyang nilingon, "Ano? Ni hindi ko nga magawang patumbahin si Uno, ikaw pa kaya na halos parang si flash kung umiwas. Ilang buwan pa bago mangyari 'yon," hindi makapaniwalang tugon ko sa kanya

"Okay, when you can hit me. If you hit me once, we will start your training in weapons this afternoon," pagbawi niya.

Hit? Madali lang naman siguro 'yon no? Tatamaan ko lang ng isang beses si Kairo, pero sa sobrang galing niyang umilag ay tiyak na mahihirapan ako. Hindi nga siya gumaganti sa bawat suntok at sipa ko dahil panay lang siya iwas.

Simula noong isang araw, hindi ko pa siya natatamaan ni isang beses. Si Uno pa lang ang tinamaan ko.

"Sige pero paano kung hindi talaga kita matatamaan?" tanong ko dahil sa husay niya sa pakikipaglaban, mas malaki pa ang chance na mapagod ako kaysa matamaan siya.

"Then we'll continue your training until you can hit me," sagot niya na parang tinitimbang ang reaksyon ko

"Ang hirap naman," reklamo ko sa kanya

"Mahirap talaga patumbahin at tamaan si boss, miss dahil halos lahat ng martial arts ay mastered niya. He was also trained by using a blind fold," singit ni Uno na gaya ko ay nakaupo rin sa sahig

Napatingin naman ako sa kanya at ibinalik ang tingin kay Kairo na parang wala lang ang narinig dahil nakapikit lang ito habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng sofa.

"Hoy! Magaling ka pala kahit naka blind fold tapos iba't ibang martial arts pa. Pabida ka talaga kahit kailan," sabi ko sa kanya at hinampas ang tuhod niya kung saan ako nakasandal. Nakaupo kasi ako sa sahig at nakasandal ang likod sa paanan niya.

"What's pabida?" nagtatakang tanong niya

Ginaya ko naman ang sinabi niya at inikutan siya ng mata. "What's pabida? Nye nye nye, arte nito. Pabida means gusto mo laging pumapel," asar na sagot ko na ikinatawa nila Uno at Drake

"Tsk! You always make fun of me, but that's fine as long as it's you," mahinang saad niya na ikinailing ko

Tumayo naman ako at lumipat sa tabi niya saka siya niyakap sa bewang. "Sorry na, nakakatuwa ka kasi. Kiss nalang kita mamaya," paglalambing ko sa kanya. Tila may narinig naman siyang maganda dahil agad siyang dumilat at ngumisi.

"How about you kiss me now?"

"Kiss?" Inilagay ko ang palad ko sa bibig niya na para bang tinatakpan ito para hindi siya makapagsalita. "Oh ayan, kiss mo palad ko."

"Kiss mo na si boss, promise pipikit kami," gatong ni Uno at pumikit pa habang nakangisi

"Che! Halika na nga Kairo, maglaban na tayong dalawa nang matapos na 'to. Hinahamon kita," matapang na hamon ko sa kanya na ikinataas lang ng kilay niya

"'Yan yang nabiliban ko sa 'yo, miss. Ang tapang mo, parang hindi malaking tao ang hinahamon mo."

Hindi ko siya pinansin at muling nilingon si Kairo na hindi pa rin tumatayo. Nang tumayo na ako ay wala siyang nagawa kundi bumuntong-hininga at tumayo na lamang sa kinauupuan niya.

"Let's start," saad niya at naglakad papunta sa ring

"Be ready, wife. I'll use my hands now, so avoid every attack I'll make. If you can hit me once, you'll win," paalala niya pagpasok ko sa ring

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon