Chapter 40

620 7 0
                                    

Nakaupo lang si Justine sa isang single sofa sa sala habang nanonood ng tiktok sa cellphone niya. Si Kairo naman ay nasa opisina niya kasama si Val at hinihintay na dumating sina Uno at Drake para pag-usapan ang magiging plano nila mamayang gabi.

Napatingin siya sa pintuan ng mansion nang magkasunod na pumasok sina Uno at Drake na kapwa nagmamadali.

"Hala lagot kayo kay Kairo, hindi kayo nagpaalam sa kanya. Galit 'yon," pananakot niya sa mga ito na kapwa nagkatinginan at nagmadaling tumakbo papunta sa opisina ni Kairo. Napatawa na lamang siya at umiling dahil sa inasta ng dalawa.

Bumalik ang atensyon niya sa hawak niyang cellphone nang dumaan ang isang video doon tungkol sa International Sports Car Racing Competition. Isang sikat na karera kung saan kasali ang iba't ibang magagaling na racer sa mundo. Pangarap niya na makasali sa competition pero alam niyang malabong mangyari dahil illegal na karera lang naman ang sinasalihan niya, at baka matalo lang siya dahil talagang magagaling ang mga racer na sumasali dito.

Kung sana ay magaling lang siya na racer siguradong hindi siya mahihirapan na makasali sa competition. Bata pa lang siya ay gusto niya na ang mga sasakyan at pagkakarera, lumaki siya na pinapanood ang mga palabas tungkol sa mga sasakyan, tulad ng Fast & Furious o mas kilala bilang Fast and the Furious.

"Manonood nalang ako ng Turkish Drama," saad niya at itinigil nalang ang panonood. Inilagay niya ang cellphone niya sa bulsa at tumayo para bumalik sa kwarto niya. Naroon ang laptop niya kung saan nakalagay ang mga idinownload niyang mga palabas.

Uno's POV

"Tangina mo! Ikaw na sabi," inis na saad sa 'kin ni Drake.

"Ikaw na," tulak ko kay Drake dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapasok sa opisina ni boss dahil walang malakas ang loob sa ming dalawa na magbukas ng pinto.

Kanina pa kaming dalawa nakatayo sa harap ng pinto ng opisina niya pero hindi pa rin kami nakakapasok. Kinabahan kasi kami sa sinabi ni Miss Justine kanina, magpapaalam naman sana ako kay boss pero madaling araw ako umalis.

Bwesit na Drake 'to! Sumunod din pala sa 'kin na hindi rin nagpaalam. Nakalimutan kasi naming magpaalam kagabi dahil agad na lumabas si boss sa basement. Tapos hinintay pa namin na matapos si Vlad na gamutin si Clark, ang anak ni Vinhamin na halos naghihingalo na sa parusa ni boss.

"Hayop ka! Nakikita mo ba itong ilong at labi ko na may band aid ha! Hindi pa 'to gumagaling, alam mo namang nasuntok ako ni boss noong nakaraan. Baka madagdagan naman kapag ako ang nagbukas. Ikaw na nga," galit na saad niya at itinulak ako sa pinto.

Hindi pa kasi gumagaling ang ilong at labi niya na nasuntok ni boss noong nakaraan. Kung hindi ba naman kasi isa't kalahating tanga, si Miss Justine pa talaga ang nagustuhan. Alam namang pagmamay-ari ni boss.

Sinamaan ko naman siya ng tingin ng tumama ang ilong ko sa pinto dahil sa pagkakatulak niya. Kung hindi ko lang 'to kaibigan, nasapak ko na 'to. Sa akin pa naman niya iniasa ang trabaho niya kagabi.

"Tangina mong underboss ka! Buti nga sinapak ka ni boss. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko kagabi, makauwi lang ng mansion," saad ko at hinanda ang sarili na buksan ang pinto.

Hindi ko pa nakakalimutan na muntik na kaming matudas kagabi kung nahagip lang kami ng truck. Hanep! Kay kamatayan hindi takot pero isang tawag lang ni Miss Justine halos paliparin na ang sasakyan makauwi lang.

Huminga ako ng malalim at hahawakan na sana ang siradura para buksan, nang marahas itong bumukas. Bumugad sa amin ang nakakunot-noong mukha ni boss at ang malamig na titig niya sa 'min.

"The two of you, what the fuck are you doing? Are you going to stand there the whole day?" galit na tanong nito.

"Sorry boss," magkasabay na saad namin ni Drake.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon