Warning! Graphic content ahead. It may contain inappropriate scenes such as violence, torture and killing.⚠️⚠️⚠️
Uno's POV
"Boss," bungad ko sa kanya
"Get the hell out of my way or I'll kill you."
Napalunok ako ng ilang beses dahil sa galit na boses ni boss pagkapasok pa lang sa mansion.
Tahimik na sumunod ako sa kanya papasok sa kwarto ni miss Justine na umiiyak pa rin hanggang ngayon. Kitang-kita ko kung paano kumuyom ang kamao ni boss bago siya nilapitan.
"Kairo..."
"Shhhh it's alright," pag-aalo niya kay miss Justine saka niyakap ito
Itong si boss pagdating sa 'min sobrang sama ng ugali pero kapag si miss Justine ang kaharap parang bumabahag ang buntot.
"Kairo... muntik na niya akong gahasain," humihikbing sumbong ni miss Justine kay boss na halos hindi na makapagsalita ng maayos dahil sa pag-iyak niya.
"Everything's gonna be alright. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sayo."
Hinaplos ni boss ang buhok ni miss Justine at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mukha niya.
Naku, kung hindi lang muntik magahasa si miss Justine malamang kinikilig na ako sa nakikita ko ngayon. Nakakaawa si miss Justine kanina takot na takot at ayaw magpahawak sa 'kin.
"You need to sleep, huwag kang mag-alala babantayan ka ni Drake. May aayusin lang ako."
Umiling lang si miss Justine at humawak sa damit ni boss.
"Aalis ka?"
"Don't worry si Drake ang magbabantay sayo. I trust him, he won't do anything stupid."
Kung nandito lang ang gagong 'yun malamang lumaki na ang ulo non dahil sa compliment na galing kay boss.
"G-gusto kong... maligo Kairo," nauutal na sabi ni miss Justine bunga ng mga hikbi at iyak niya.
"Alright, I'll wait for you until you're done."
Muling pinunasan ni boss ang mga luha galing sa mata ni miss Justine at hinayaan itong pumasok sa banyo.
Napalunok ako dahil sa mga titig ni boss na parang tatagos sa kaluluwa ko. Wala pa itong ginagawa pero iyong puso ko ay parang luluwa na dahil sa kaba.
Oo, wala akong kinakatakutan na kahit sino sa mga kaaway namin pero kapag si boss ang kaharap ko parang gusto ko na lang tumakbo paalis.
"Wait me at the basement, Uno, and ready the tools we will use later."
Agad akong tumango at lumabas ng kwarto
Dumiretso ako sa basement at gaya ng utos ni boss ay hinanda ko na ang mga kailangan namin.
Warning! Graphic content ahead⚠️⚠️⚠️
Third Person's POV
Yumuyuko ang bawat taong nadaraanan ni Kairo at walang ni isa sa mga ito ang gustong humarang sa dinaraanan niya. Nakatiimbagang ito habang naglalakad sa gitna ng isang pasilyo habang nakasunod naman sa kanya ang kanyang kanang kamay.
Samantalang nanginginig naman sa takot ang dalawang traydor na kasalukuyang nakakakadena sa pader. Sa bawat hakbang niya ay siya namang pagpipigil ng hininga ng bawat taong naroroon.
Lahat ng tauhan na naatasang bantayan ang loob ng mansion ay nakahanay sa harap ni Kairo na animo'y mga tutang tahimik na nakayuko sa kanyang harapan.
"ALL OF YOU! WHAT THE FUCK ARE YOU DOING THAT YOU DIDN'T NOTICE THAT THIS ASSHOLE ENTER MY WIFE'S ROOM WITHOUT HER PERMISSION?"
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...