Chapter 57

374 5 1
                                    

Tahimik lang akong naglalakad sa taniman namin ng mangga habang sina Drake ay panay ang kulitan at biruan sa harap namin. Si Kairo naman ay kanina pa hindi nagsasalita sa likuran ko. Alam kong gusto niya akong kausapin pero nagpipigil lang siya dahil alam niyang masama ang timpla ng mood ko ngayon.

"Ma'am ang daming bunga, pwede ba kaming kumuha?" Excited na tanong ni Drake habang tinuturo ang mga naglalakihang bunga ng mangga

Ngumiti naman ako at tumango sa kanya, "Pwede naman, tawagin mo si Manong o kung sino mang trabahador dito, sabihin mo na kukuha kayo ng mangga," sagot ko sa kanya

"Ako nalang ate, baka hindi sila kilala ng mga trabahador dito," singit ni Johaina.

Nang tumango ako ay agad siyang naglakad para maghanap ng taong tutulong kina Drake para kumuha ng mangga.

"Sige, maghintay kayo rito. Hintayin niyo sina Johaina, ako naman maglalakad-lakad ako hanggang dulo kasama si Roro," bilin ko sa kanila at inilapag si Roro sa lupa. May tali naman siya kaya malaya kaming makakapaglakad-lakad.

"I'll go with you," saad ni Kairo.

Hindi ako sumagot at tumango lang sa sinabi niya. Tumalikod na ako para umalis habang hawak ko ang tali ni Roro. Gaya ng sinabi ni Kairo ay sumama siya sa akin pero tahimik lang siya sa likuran ko.

Drake's POV

Nakasunod lang ang tingin namin kina boss habang naglalakad sila. Nakasunod si boss kay Ma'am Justine habang hawak nito ang tali ni Roro. Nang medyo makalayo na sila ay nagkatinginan kami ni Uno.

"Ako lang ba o parang may LQ sina boss?" tanong ko sa kanila.

"Iba ang atmosphere nila."

"Paanong iba?" tanong naman ni Zandro

"Basta iba, alam mo 'yung kahit nag-usap sila kanina parang may tensyon. Hindi kaya tungkol 'yon sa manliligaw kuno ni Miss dati?" muling tanong ni Adam.

"Pwede, pero bakit parang si Miss Justine ang masama ang mood? Si boss tahimik at kalmado lang pero si Miss Justine masama ang timpla ng mukha," pagsagot ni Alvilltrione.

"Oo nga no?"

Muli kaming natahimik at iniisip kung ano ang posibleng pinag-awayan ng dalawa. Naku, kapag badtrip pa naman si boss minsan sa amin binabaling ang inis niya.

"Hoy! Mark bakit ang tahimik mo? Huwag mong sabihing LQ din kayo ni Uno? Pareho kayong tahimik eh," biro ko sa kanya dahil simula nong tinawag niya sina boss kanina ay parang balisa siya at hindi masyadong nagsasalita.

"Gago! Tigilan mo ako Drake dahil may iniisip ako," sagot ni Uno na ikinangisi ko lang.

"Kanina naabutan ko si Miss Justine na sinasakal si boss. Akala ko papatayin ako ni boss kanina," mahinang sagot ni Mark na ikinataka namin.

Ang gulo magkwento ng gago. Naabutan niya si Miss Justine na sinasakal si boss tapos siya ang papatayin ni boss? Hanep!

"Tapos? Anong kinalaman mo doon? Bakit ka naman papatayin ni boss?" usyoso ni Zandro na lumapit pa talaga kay Mark.

"Ang chismoso niyo naman, pero bakit nga ba, pre?" gatong ko at tinuon din ang pansin sa kanya.

"Isa ka ring chismoso," sagot ni Uno.

Bumuntong hininga si Mark saka iniyuko ang ulo na para bang ang laki ng problema niya. Kung hindi lang sina boss ang pinag-uusapan namin gusto ko siyang i-video tapos pagtawanan. Para kasing pinagbagsakan siya ng langit at lupa sa itsura niya.

"Naitulak ko si Miss Justine dahil inawat ko siya."

Napatigil kami at nawala ang ngisi namin nang marinig namin ang naging sagot niya.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon