Chapter 5

435 5 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon dahil ngayon na ang oplan "find a wife" ni Kairo. Medyo kinakabahan din ako dahil baka wala kaming mahanap edi goodbye single status na ako.

Pasado alas syete na ng umaga ng makarating ako sa lugar kung saan magaganap ang interview para sa mga "soon to be wife" ni Kairo. Halos lumuwa ang mata ko dahil nasa parking lot pa lang ako ay may mga babaeng nakapila na.

"You're almost late," bungad nito sa 'kin

Tinaasan ko lang ng kilay si Kairo at umupo sa tabi niya kaharap ang dalawang upuan para sa mga babaeng aplicante.

"Mabuti naman at hindi ka late," walang gana kong sagot sa kanya

Sinimulan na namin ang pag i-interview at panay na rin ang hagod ko sa batok ko dahil sa sobrang ngalay. Kalahati na sa mga babae ang na interview namin pero ni isa sa mga 'yun ay hindi pumasa.

"Hi, Kairo! I'm Genevva but you can call me honey if you want."

See? Iyan ang sinasabi ko ang dami nilang gustong maging asawa si Kairo pero ganda at katawan lang ang pumasa sa standards na inilagay ko.

"Pass miss hindi ka pasok sa standards ni Kairo."

Tinaasan naman ako nito ng kilay kaya ginantihan ko rin siya.

"Who are you? Si Kairo dapat ang nagpapasya kung sino ang pipiliin niya at hindi ikaw."

Ugali pa lang bagsak na tsk!

"She's my friend and yeah, siya ang magpapasya kung sino ang papakasalan ko dahil alam niya kung ano ang tipo ng babaeng papakasalan ko at hindi ikaw 'yun Ms. Genevva."

Napapahiyang umalis ito pero bago 'yun ay nag iwan muna siya ng nakakamatay na tingin sa 'kin.

"Fuck! I'm so tired, Justine but until now we still haven't found a woman I would marry that fits with my standards," naiinis na sabi ni Kairo sakin

Well, kahit nga ako pagod na rin. Wala kasi talagang babae na nakapasok sa standards namin dahil puro pagpapaganda at pagpapa cute lang ang alam, hindi nga marunong magluto at kapag tinatanong namin kung ano ang kaya nilang lutuin eh ang sagot nila noodles.

Seriously? Halos lahat ng tao sa mundo ay marunong magluto ng noodles. Basic na gawain ang pagluluto na kailangan matutunan, kahit nga si Kairo ay marunong magluto at maglinis kahit born with a golden spoon iyon.

"Hi po my name is Kiela Gingbum. 24 years old at ako po ang huling aplicante."

Tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa at wala sa sariling napangisi.

"So Kiela marunong ka bang gumawa ng mga gawaing bahay at magluto?" tanong ko sa kanya na siyang ikinatango niya

Napa palakpak ako ng ilang beses at napangiti ng malapad dahil pasok siya sa ginawa naming standards tapos maganda pa siya at bukod do'n siya na ang huling babaeng kailangan naming interbyuhin ngayon.

"So are you single? " nilingon ko si Kairo ng ito naman ang magtanong

"Ngayon po?" tanong nito kaya tumango naman ako

"Opo pero may asawa po ako dati, kasalukuyan pa pong inaayos ang annulment namin." Owwshiii ano ba ang ibig sabihin ng single niya? Ante, married ka pa.

Nawala ang ngiti at saya sa mukha ko ng marinig ko ang sinagot ni Kiela.

"So basically you are still married?"

Tumango naman ito kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Sorry miss pero mukhang hindi ka pwede."

Bagsak balikat na tumalikod naman ito kaya kaming dalawa na lang ni Kairo ang naiwan.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon