Chapter 53

712 9 0
                                    

"Kai gising na, 7am na," paggising ko kay Kairo.

Alam kong maaga pa 'to para sa kanya pero dapat masanay na siya, kailangan niyang masanay na gumising ng maaga dahil ang mga tao rito sa bahay ay alas singko pa lang ay gising na para gawin ang kanya-kanya nilang trabaho.

Napag-usapan din namin kahapon na pupunta kaming bukid ngayon para bisitahin ang plantasyon at palayan doon. Taga rito kasi ang lolo ko, father ni mama. Sa kanya iyon at dahil nag-iisang anak lang si mama sa kanya na ipinamana. Noong namatay naman si mama ay ipinangalan na iyon sa akin kaya ngayon ay ako na ang nagmamay-ari.

Sina nanay ang namamahala, at pinupuntahan ko lang paminsan-minsan kapag bumibisita ako rito.

"Kai, yohoooo gising na," ulit ko at yumuko para tignan sa malapitan ang mukha niya. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at saka ito inihipan.

"Too early dwarf," mahinang saad nito habang nakapikit.

Lumapit ako sa bintana at hinawi ang kurtina na tumatakip sa sliding window para makapasok ang sinag ng araw.

"Pupunta tayong bukid saka wala tayo sa Manila, Kai," saad ko pero umungol lang ito at tinakpan ang mata gamit ang kanang braso niya.

"Ayaw mong magising ah," saad ko sa utak ko at bumalik sa kama. Napangisi ako at tumayo sa kamang hinihigaan ni Kairo saka lumundag.

"Gising na, gising na, gising na, Kairooooo," paulit-ulit na sambit ko at tumalon-talon para tuluyan siyang magising. Dahil malambot ang kama at malakas ang talon ko ay umaalog-alog ang katawan ni Kairo

"Stop jumping," saway niya sa 'kin. Napangiti ako nang marinig ang baritono at nakakaakit na boses niya. Kakagising niya lang kasi kaya parang nag-iba ang boses niya, mas naging kaakit-akit. Naging mas buo at malalim dahil sa bedroom voice niya.

"Ehh gising na kasi," sagot ko at hindi pa rin tumitigil sa pagtalon. Hindi pa kasi siya dumidilat, nagsasalita lang siya habang nakapikit.

"Alright, stop jumping dwarf. You might fall," muling saway niya pero sa pagkakataong ito ay nakadilat na siya at nakatingala sa 'kin.

Ngumiti lang ako at bahagyang umupo sa harap niya. Tanging itim na pajama lang ang suot niya kaya hindi ko maiwasang tingnan ang katawan niya. Lantad na naman ang kabuoan ng tattoo niya at ang walong matitigas na pandesal sa tiyan niya.

Bumaba naman ang tingin ko sa nakaumbok sa pagitan ng hita niya. Tumikhim na lamang ako at umiwas ng tingin nang mapansin ko ang pag-angat ng sulok ng labi ni Kairo.

"Bumangon ka na," tanging sambit ko at tumalikod para tumayo.

Muntik na akong mapatili nang maabot ni Kairo ang bewang ko at hinila ito. Bahagya kasi akong nakaupo kanina kaya madali lang niyang naabot ang bewang ko.

Lumanding ang pang-upo ko sa katawan niya kaya ngayon ay nakaupo na ako sa matigas n'yang tiyan. Nanlaki ang mata ko at tatayo na sana pero hindi ko magawa dahil nakahawak siya ng mahigpit sa bewang ko.

"Kai, mabigat ako. Ano ka ba! Nakalimutan mo bang may sugat ka," inis na saway ko sa kanya.

"Are you sure you're heavy? I can't feel it," nakangising saad niya at nanatili ang kamay sa bewang ko

"Baka sumakit ang tiyan mo mamaya, bahala ka. Wala akong kasalanan ah."

"Hmm, I'm willing to endure the pain as long as it is from you," banat niya at kumindat pa. Umismid na lang ako at hindi gumalaw dahil baka masaktan siya.

"Ang aga-aga puro ka kalandian. Paalisin mo na kaya ako," asar na saad ko.

"How about you give me a good morning kiss as a payment then I'll set you free, hmm?"

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon