Chapter 62

532 10 3
                                    

"Teka, ano? Wala pa ngang isang oras noong umalis kayo tapos nakikipag-away na?" gulat na tanong ko kay Drake at binitawan ang labahan

"Ma'am, nauna 'yung lalaki. Tara na po! Baka makapatay si boss ng wala sa oras."

Napasapo na lamang ako sa noo at nauna ng tumakbo palabas kay Drake. Jusko! Baka makapatay 'yon rito, bakit ba kasi ako nakapag-asawa ng mainitin ang ulo. Dapat hindi na ako pumayag na sumama siya sa basketball court eh, hindi ko manlang naisip na pwede siyang makahanap ng away.

"Ano ba talaga ang nangyari, Drake? Jusko naman! Ang dami niyo hindi niyo manlang inawat si Kairo," problemadong tanong ko habang tumatakbo kami papunta sa basketball court.

"Ehh kilala mo naman si boss, ma'am. Hindi iyon nagpapaawat pwera nalang kung ikaw ang aawat. May nakaharap kasi siyang siga kanina, ayon pinatulan," sagot ni Drake na sinasabayan ang hakbang ko.

"May dala ba siyang baril?"

"Mayroon ma'am, dala niya kanina."

Yari talaga ang Divinchie na 'yon sa 'kin, ang dami na niyang kasalanan.

Dahil sa kaba na baka makapatay ng tao si Kairo ay mas binilisan ko pa ang takbo ko. Sa suntok pa lang sigurado akong walang panama ang makakaaway niya, idagdag pa na may dala siyang baril. Sigurado ako na kung hindi ako makakarating sa saktong oras baka may patay na akong madatnan sa court. Hindi pa naman kami tagarito tapos manggugulo pa kami.

"Si Kuya Mike, wala ba siyang ginawa para awatin si Kairo?"

Isa pa 'yon, sabi niya siya na ang bahala kay Kairo. Eh ano 'to? Wala pa ngang isang oras may sumusundo na sa 'kin dahil nakipag-away si Kairo.

"Sinubukan niya ma'am pero si boss kasi masyadong mainitin ang ulo, sinuntok kaagad 'yung lalaki," tila problemado ring sagot ni Drake.

Lintik na Divinchie na 'yon! Makikita niya talaga mamaya pag-uwi sa bahay, pagmumukha niya ang lalabhan ko sa palanggana. Nakakaasar, palagi nalang init ng ulo ang pinapairal.

Malayo pa man ako sa mismong court ay tanaw ko na ang nagkukumpulang tao sa gitna na para bang nakikiusyoso. Sigurado akong sa itsura ko ngayon ay parang uusok na ang ilong ko sa inis.

"Tabi! Makikiraan," asar na saad ko sa mga nakaharang sa dinaraanan ko

"Tumabi kayo!" muling angil ko sa mga taong nagkukumpulan.

Nang kaunti nalang ang nakaharang sa dinaraanan ko at medyo naaaninag ko na ang harap ay huminga ako ng malalim.

"Kalix Rhon Divinchie, umuwi na tayo!" malakas na sigaw ko na sinigurado kong maririnig sa harap.

Agad namang humawi ang mga tao sa dinaraanan ko at hinayaan akong makalapit sa gitna. Napatakbo ako sa harap ni Kairo nang saktong susuntukin na sana siya ni Andrei, ang isa sa mga player na kasama ni kuya Mike. Dahil nakaharang ako sa harap ni Kairo ay hindi na nito natuloy ang pagsuntok niya.

"Tine tumabi ka d'yan," galit na saad ni Andrei sa 'kin

"Tama na, Andrei! Ako na ang humihingi ng pasensya kung may nagawa o nasabi mang hindi maganda si Kairo. Kakausapin ko nalang siya sa bahay," ganti ko at bahagya siyang itinulak sa balikat.

"Kairo umu—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pagharap ko kay Kairo ay nakangisi na siya sa 'kin at may bitbit na bouquet habang nasa likuran niya sina Uno at may hawak na cellphone na parang kinukuhanan kami ng video.

"Hoy! Ano 'to?" gulat na tanong ko sa kanya

Hindi kaagad siya sumagot bagkus ay lumapit siya sa 'kin at ibinigay ang hawak niyang bulaklak. Maya-maya ay may narinig akong tugtug galing sa speaker dito sa basketball court. Kung hindi ako nagkakamali ay kanta iyon ni Jason Derulo, Marry Me. May ideya na ako sa kung ano ang nangyayari pero ayaw maproseso ng utak ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon