Chapter 45

591 7 7
                                    

Third Person's POV

Pagdating sa mansion ay agad na nagsibabaan ang mga tauhan ni Kairo sa sasakyan. Hawak ng ibang tauhan niya si Vinhamin at ang anak nito na parehong gustong kumawala sa pagkakatali nila. Lumabas naman si Val sa pangalawang sasakyan hawak ang isang plastic na naglalaman ng binili nilang fries. Nagmamadali namang lumabas si Uno at Drake na akay si Kairo, hinang-hinang na ito at namumutla na rin dahil sa tama ng bala.

Samantala, nagtaka naman si Justine nang marinig ang komusyon sa labas kaya lumabas siya ng dining room para tignan kung dumating na ba sina Kairo. Muntik pa siyang mabangga ni Vlad na tumatakbo pababa sa hagdan, dahil sa kuryosidad ay sumunod din siya sa lalaki.

"Parang may nangyayaring hindi maganda sa labas," saad niya sa limang capo

"Kung ganoon, mistress, mas mabuting bumalik na kayo sa kwarto," sagot ni Demitri sa kanya

"Hindi, baka sila Kairo na 'yon."

Ganoon na lamang ang gulat at kaba na lumukob sa loob niya nang bumungad sa kanya ang nangyayari sa labas. Pumukaw sa mata niya ang dalawang taong nakatali at kapwa duguan. Ilang beses siyang lumunok dahil sa takot, lalo na noong nakita niya ang anak ng matanda na halos hindi na makilala ang mukha. Bakas sa mukha nito ang matinding hirap na pinagdaanan sa kamay ni Kairo.

Ngunit agad ring napunta ang atensyon niya sa taong pinalilibutan ng mga tauhan nito. Nang unti-unting humawi ang mga ito at lumapit si Vlad, ay siyang dahilan kung bakit mas lalong nadagdagan ang takot at kaba niya. Bumungad sa kanya ang asawang duguan at nakayuko na lamang ang ulo habang akay nina Uno dahil sa panghihina.

Ni hindi niya magawang ihakbang ang mga paa at nakatitig lang sa papalapit na imahe nito. Mistulang bumagal ang ikot ng mundo niya at ang tanging naririnig niya lang ay mga sigawan ng mga taong nakapalibot sa kanya.

"Kai," mahinang bulong niya nang maproseso sa utak ang nangyayari. Tumulo ang luha niya at ilang beses na napailing saka tumakbo palapit sa binata. "Kairo, anong nangyari? Kai... please," umiiyak na sigaw niya

"Miss may tama si boss sa dibdib," sagot ni Val at inikay si Kairo papasok sa mansion.

"Kai, ano ba! bakit ayaw mong dumilat... 'w-wag ka namang ganyan oh. Gumising ka uyy," humihikbi siya habang marahan na niyuyugyog ang binata. Nang bahagya itong gumalaw ay mas lalo siyang napaiyak. "'Wag ganito uy, dumilat ka. Ang...ang sabi mo a-ayaw mo kong umiyak."

Nang dumating sila sa kwarto kung saan siya ginamot ay agad na pinahiga si Kairo. Nagmamadaling sinuot ni Vlad ang gloves at mask niya saka hinanda ang mga gagamitin sa pag-oopera kay Kairo habang si Justine ay umiiyak lang at hawak ang kamay ng binata.

"Sa labas ka nalang maghintay, Justine," saad ni Vlad sa kanya

Paulit-ulit siyang umiling habang umiiyak at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Kairo. "Ayaw ko! Hindi ko iiwan si Kairo..." nang hinawakan siya ni Val para akayin palabas, winaksi niya ang kamay nito. "Ayaw ko nga! Ano ba? Bitawan mo 'ko."

"Tine kapag hindi ka lumabas, hindi ako makakapagfocus sa paggamot kay Kalix, mas lalong malalagay sa piligro ang buhay niya. Magtiwala ka sa 'kin, ako ang bahala sa kanya," pagpapakalma ni Vlad si kanya

Ilang beses na humikbi si Justine at tiningnan ang nanghihinang asawa.

Hinimas ng hintuturo niya ang daliri nito na suot ang wedding ring nila at nagsalita, "Huwag kang mamamatay, hindi pa kita crinucrushback. Kapag namatay ka, mag-aasawa ako ulit sige ka," pananakot niya rito.

Napatingin siya sa mukha ng asawa ng gumalaw ang kamay nito at mahigpit rin siyang hinawakan. Napangiti naman sina Val nang marinig ang sinabi niya, alam nilang nakikinig ang amo nila kahit na nakapikit dahil gumalaw ito sa sinabi ni Justine.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon