Chapter 6

508 8 2
                                    

"From now on we'll leave together in the same roof."

Napahinto ako sa pagkain at nilingon si Kairo ng marinig ko ang sinabi niya.

"Nababaliw ka na ba? Bakit naman ako titira sa bahay mo eh may sarili naman akong bahay."

Grabe, sagad na talaga sa buto ang kakapalan ng mukha nitong si Kairo.

"Idiot! We're married now."

Anong connect sa kasal naming dalawa.

"Tapos?"

"Ms. Justine, syempre po ang mag asawa dapat nakatira sa iisang bahay."

Nilingon ko si Drake nang ito ang sumagot sa tanong ko.

Kailangan pa ba 'yun eh hindi naman kami totoong mag asawa. Ay oo nga pala totoo pala kaming kasal pero sa papel.

"Sige, pero bukas na lang dahil aayusin ko pa ang mga gamit ko tapos idagdag pa ang mga sasakyan ko."

Nag-isip muna sandali si Kairo pero kalaunan ay tumango rin.

"Make sure you won't escape."

Baliw ba siya? Bakit naman ako tatakas?

"Baliw! Bakit naman ako tatakas? Tigilan mo iyang pagiging paranoid mo at nakaka baliw 'yan."

Hindi ako pinansin nito at tumingin lang sa relo niya.

"I need to go. I have a very important meeting to attend."

Tumayo na ito at umalis na hindi man lang nagpaalam, kasama ang dalawang tauhan niya kaya ako na lang mag-isa ang naiwan dahil nauna ng umuwi si dad.

Ayos ah sa isang iglap lang nagkaroon ako ng asawa at daddy pero serysoso? Divinchie na ang apelyido ko ang pinaka mayaman at makapangyarihang apelyido sa buong Asya.

Naku, baka may bigla na lang mag assassinate sa 'kin o 'di kaya ay ipakidnap ako. Ano na lang ang mangyayari sa akin pero alam kong possible talagang mangyari 'yun dahil mafia boss si Kairo tapos siya pa ang CEO ng Divinchie Automobile.

Maraming business si Kairo hindi lang mga automobile kundi meron din siyang malls and hotels na hindi lang sa Pilipinas na naka base kundi pati na rin sa iba't ibang parte ng mundo kaya hindi nakakapagtaka na pinapalibutan siya ng mga taong gusto siyang patumbahin.

Sa awa naman ng Diyos ay sa halos anim na taon naming magkaibigan ay hindi ko pa naranasang madamay sa gulo niya sa mafia at sa magulong mundo ng negosyo.

Makauwi na nga dahil sisimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko dahil bukas ay lilipat na ako sa bahay ni Kairo pero syempre, bago 'yan ay kailangan ko munang magliwaliw at ilabas ang stress ko.

Iinom ako ng marami ngayon sa pinaka paborito kong bar tutal ang sabi naman ni Kairo ay pwede kong gawin lahat ng gusto ko basta ay hindi ako mapapahamak. Sigurado naman akong hindi ako mapapahamak dahil si Kairo ang may ari ng bar na 'yun kaya kilala na ako halos lahat ng taong nandoon.

Ang swerte ko talaga at may bestfriend akong katulad ni Kairo ngayon ko lang na realized na sobrang swerte ko na nagkaroon ako ng ubod ng sungit na kaibigan pero palagi akong pinoprotektahan.

"Paano kung ma inlove ako? " napahinto ako ng pumasok sa isipan ko ang tanong na 'yun

Paano nga ba kung mahulog ako sa kanya? Sigurado akong hindi niya ako sasaluhin dahil matalik na kaibigan lang ang turing niya sa 'kin kaya dapat ay iwasan ko talagang mahulog sa kanya ngayon pa lang.

Hindi dapat lumagpas sa kaibigan ang tingin ko sa kanya para kapag dumating ang araw na makahanap siya ng babaeng mas better sa akin na katulad ng mommy niya ay hindi ako masasaktan dahil ang role ng kaibigan sa buhay natin ay suportahan at ilayo sa mga bagay na nakakasama sa atin.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon