Chapter 51

469 6 0
                                    

"Nay, si ano... si Kairo kasi, ano eh," hindi matuloy-tuloy na saad ko kay nanay. Nagtatanong kasi siya kung saan galing ang suot kong singsing.

"Ituloy mo nak," tugon naman niya. Lahat sila ay naghihintay ng sagot habang si Kairo ay tahimik lang sa tabi ko. Huminga ako ng malalim at tiningnan si nanay.

"Kasal na ho kami ni Kairo," mahina kong sabi sa kanila. Papalit-palit ang tingin ko kila nanay, na ngayon ay gulat na gulat at hindi makapaniwala sa naging sagot ko.

"Ano kamo? Tama ba ang narinig ko? Kasal na kayo nitong si Kalix?" hindi makapaniwalang tanong ni nanay sa 'kin.

"Opo, noong July 16 pa," kagat-labing sagot ko sa kanya.

Hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya at kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Lalo na't ngayon lang pumunta si Kairo sa kanila at nagpakilala ng pormal kina kuya Mike. Ngayon lang kung saan kasal na kami.

"Aba! Magda-dalawang buwan na pala. Kung hindi ka pa pumunta rito, aba'y hindi namin malalaman. Hindi mo manlang kami pinapunta o tinawagan manlang," tila nagtatampong saad ni nanay.

Napanguso naman ako at tiningnan siya, "Sorry, nay. Biglaan kasi, hindi kami ikinasal sa simbahan. Judge lang ho ang nagkasal sa 'min. Tanging ang dad lang ni Kairo at sina Drake at Uno ang naroon. Sorry na nay, hindi ko kasi alam paano sabihin sa inyo."

"Kahit na, dapat tumawag ka pa rin para hindi naman kami magulat. Porke't hindi mo ako mommy," nangongonsensyang sagot niya.

"Sorry na nay, parang ewan naman eh. Tinuring na kaya kitang nanay," nagpapaawang sagot ko sa kanya.

"Aba ako pa ang ewan, lumapit ka nga rito," utos niya na agad kong sinunod.

Pinaupo ko si Myra sa sofa at naglakad palapit kay nanay. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay hinila nito ang tenga ko. "Aray! Ouch! Nanay, masakit," hiyaw ko sa kanya.

Narinig ko naman ang pagpipigil tawa nina Uno at Drake. Nang binitawan ni nanay ang tenga ko ay agad ko itong hinimas.

"Hindi ka pa rin nagbabago, napakapasaway mo pa rin," umiiling na sagot nito

"Sorry na nay," paglalambing ko at yumakap sa kanya. Nagpapacute habang nakangiting nakayapos sa may tiyan niya.

"Oo na."

Ngumiti naman ako at bumitaw sa kanya saka ako bumalik sa tabi ni Kairo. Nagulat ako nang tumayo si Kairo sa inuupuan niya at lumapit sa harap ni nanay. Ngunit ang mas nagpalaglag sa panga ko ay nang kinuha niya ang kamay ni nanay at nagmano. Nakita ko ang pagsinghap at paglaki ng mata ng mga tauhan niya dahil sa nasaksihan nila. Kahit nga ako ay hindi makapaniwala sa nakita.

"Hindi ko pa naipakilala ng pormal ang sarili ko at ilang minuto lang din ang pag-uusap natin nong graduation ni Justine..." saad ni Kairo at tumikhim. "I am Kalix Rhon Divinchie, the husband of Justine. Sorry for not informing you about our civil wedding. Nice to meet you," pagpapakilala niya.

Ngumiti naman si nanay sa kanya bago nagsalita. "Kahit hindi ka na magpakilala, kilala na kita hijo. Huwag kang mag-aalala naiintindihan ko," nakangiting tugon niya kay Kairo

"Palagi kang kinukwento nitong batang 'to. Salamat sa pag-aalaga at pagproprotekta sa kanya kahit matigas ang ulo. Hindi pa ba sumasakit ang ulo mo?" pabirong tanong ni nanay na nagpanguso sa 'kin. Narinig ko naman ang tawanan nina Uno dahil sa naging tanong ni nanay.

"Always, she's giving me headache. Lalo na kapag sinusuway ako. It feels like having a wife and a kid at the same time," sagot naman ni Kairo.

Sumama naman ang tingin ko kay Kairo at sumingit sa kanila. "Grabe ka naman, hindi naman palagi."

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon