Warning! Graphic content ahead. It may contain inappropriate scenes such as violence, torture and killing.⚠️⚠️⚠️ (Please, kung hindi kayo komportable sa scene na ito, pwede niyo pong i-skip. Hindi kaaya-aya at masyadong brutal ang susunod na scene, maaari niyo pong lampasan. Salamat)
"Please! Wala akong kasalanan! Kung ano man ang kasalanan ng ama ko, ako na ang humihingi ng tawad, parang awa mo na," patuloy na pagmamakaawa ng lalaki.
Nanatili ang walang emosyong mukha ni Kairo habang nakatitig sa lalaki. Halos maiyak na ito sa pagmamakaawa pero walang pakialam si Kairo, ang gusto niya lang ay gumanti dahil sa nangyari sa asawa niya. Wala sana sa plano niya ang pahirapan ang anak ni Vinhamin pero dahil sa ginawa ng ama nito, papatayin niya ito sa pinakamasakit na paraan.
"You know what? I don't accept sorry easily," saad ni Kairo at lumapit sa lamesa kung saan nakalagay ang mga gagamitin niya. "Be quiet, I don't like noise, unless it is from my wife, so shut your fucking mouth," malamig na saad ni Kairo at dinampot ang isang kutsilyo at latigo sa lamesa at muling lumapit sa lalaki.
"Nagmamakaawa ako."
"I said shut your mouth. Not following my instructions," ganti ni Kairo. "Open his mouth widely, Drake. Uno give me the pliers," utos niya kay Drake at Uno na agad namang sinunod ng mga ito. Bago lumapit ay ipanatong muna ni Uno ang camera at siniguradong makukuhanan ng video ang gagawin ni Kairo.
Nang ibinuka ni Drake ang bibig ng lalaki ay hinila ni Kairo ang dila nito at walang pag-aalinlangan na pinutol. "I told you to shut your mouth, give me the pliers," saad niya rito
Ibinigay ni Uno sa kanya ang pliers at hinawakan ang lalaki para patigilin sa paggalaw. Paghawak ni Kairo sa pliers ay agad niyang inilapit ito sa ngipin ng lalaki. Pwersahan niyang tinanggal ang ngipin nito isa-isa, na lalong nagpahiyaw sa lalaki. Sa sobrang sakit ng nararamdaman nito ay umagos ng sunod-sunod ang luha sa mata ng lalaki.
"Hmmm, want more?" tila nasisiyahang tanong ni Kairo. Ibang-iba ang Kairo na kaharap nila ngayon, para itong demonyo na tuwang-tuwa sa nangyayari.
"Make him kneel," muling utos niya
Tahimik naman na sinunod ito nina Drake at Uno. Tinanggal nila sa pagkakatali sa upuan ang kadena at pwersahang pinaluhod ang lalaki. Pagluhod nito ay pumwesto si Kairo sa likuran at sinimulang latiguhin ang lalaki. Napapikit pa si Uno at Drake sa kaba dahil baka pati sila ay matamaan.
Nang makontento si Kairo sa paglatigo sa lalaki na ngayon ay nakahiga na dahil sa sakit, itinapon niya ang latigo at yumuko para tignan ang lalaki na hirap na hirap na. Sira na ang damit nito sa likuran at tumutulo ang dugo dahil sa sugat na bunga ng pagkakalatigo ni Kairo.
"You can't die yet, I will make you suffer," saad ni Kairo sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang panga nito. "Let him sit back to the chair," utos niya ulit.
Pinaupo nila Drake ang lalaki kahit na halos matumba na ito. Muling kinuha ni Kairo ang kutsilyo at walang pasabing hiniwa ang mukha nito. Nilagyan niya ito ng isang malaking x sa magkabilang pisngi. "I don't like your smile, it reminds me of your father," saad ni Kairo
"Do you know what is inside on that drum?" turo ni Kairo sa drum na nakalagay sa gilid. Kahit hirap ay nilingon ito ng lalaki.
"It's an alcohol, I think you want to take a bath," nakangising saad ni Kairo. "Drake, Uno, let him take a bath."
Hinila ito nina Uno at dinala sa gilid kung nasaan ang drum. Pinagtulungan nila itong buhatin hanggang sa maipasok nila ito sa drum na puno ng alcohol. Agad na humiyaw at nagwala ang lalaki ng maramdaman ang labis na hapdi at sakit dahil sa mga sugat niya na naibabad sa alcohol. Dahil sa dugo ay agad na nagkulay pula ang laman ng drum.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...