Chapter 4

496 7 1
                                    

Justine's POV

Nagising ako dahil sa kalabog na nanggagaling sa pinto ng bahay ko. Nakahilata ako sa sofa at nagkalat naman ang mga gamit ko sa sahig, napuyat kasi ako kagabi dahil may sinalihan akong karera.

Kung makasipa ng pinto ang gagong 'to akala mo siya ang may ari ng bahay tsk pasalamat siya at kaibigan ko siya dahil kung hindi, naku tatamaan to sa 'kin. Imbis na bumangon ay nanatili lang akong nakadapa sa sofa.

Pagod ang buong katawan ko dahil madaling araw na akong nakauwi kaninina dahil tatlong karera ang sinalihan ko. Hindi pa nga ako nakakapag bihis simula kahapon pero 'di bale mabango pa rin naman ako kaso nga lang hindi halata.

"Ano ba yan Kairo sisirain mo ba ang pinto ng bahay ko," inis na tanong ko sa bestfriend ko at opo siya lang naman ang lapastangang binuksan ang pinto ko at hindi man lang kumatok

"Tsk! anong oras na nakahilata ka pa rin dyan" tinaasan ko lang siya ng kilay at nanatiling nakahiga sa sofa

"Ano ba'ng kailangan mo mahal na hari at dito ka nanggugulo sa bahay ko wala ka bang ginagawa sa kompanya mo at nandito ka? " bwesit na 'to wala ng ginawa kundi guluhin ang tahimik kong buhay

"Good question, witch."

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang ito at umupo sa paanan ko.

"I want you to marry me."

Napasapo ako sa pwet ko ng mahulog ako sa sofa na hinihigaan ko at maya-maya ay humalagapak ako ng tawa.

"Bwahahahhahaha seryoso? Hahahaha lintik! Nice joke, Kairo. Hahahahaha"

Napahampas pa ako sa sahig dahil sa kakatawa at naluluha na rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Do you think I'm joking?"

"Hindi ka nagbibiro? " napaayos ako ng upo at hindi ka makapaniwalang tumingin sa kanya

"Alam mong hindi ako marunong magbiro."

Oh my gosh! Ano bang nangyayari sa earth at inalok ako ng kasal ng kaibigan ko.

Bumabaliktad na ba ang ikot ng mundo at ang womanizer kong bestfriend ay gusto akong pakasalan. Jusme! pero wait kasal? As in marriage? Naku ano na naman ba ang nakain nitong gagong to at ako ang napagtripang alokin ng kasal.

"Hoy Kairo! Ako tigilan mo sa mga kalokohan mo ha, wala akong balak na patulan ka."

Bumangon naman ako sa sahig at hinarap siya na nakakunot noo.

"I'm serious, Justine. I need to find a wife or else mawawala sa akin ang organisasyon ko."

Tsk eh bakit ako ang inaalok niya eh ang dami niyang fling.

"Edi maghanap ka ng ibang babae Kairo problema ba 'yun? Sa gwapo at yaman mo siguradong marami ang magpapatayan para lang pakasalan ka."

Imposibleng wala siyang mahanap na iba dahil kahit nga matandang babae ay nahuhumaling sa mala adonis niyang katawan at mukha idagdag pa na sobrang yaman niya.

"They only want my money. In short they are gold diggers," balewala niyang sagot sa akin

"Bakit ako? We're bestfriends for goodness sake."

Jusme! magkaibigan kami tapos ako ang inaalok niya ng kasal. Nababaliw na ba siya?

"Because I want you to be my wife than any other girls out there."

Ngumisi ako at sinundot ang tagiliran niya.

"Yieeehh ikaw ha may hidden desire ka pala sakin," pang-aasar ko sa kanya pero sinamaan lang ako nito ng tingin

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon