Chapter 59

644 14 4
                                    

Pag-alis ni David ay saka lang ako nakahinga ng maluwag pero kahit ganoon ay ramdam ko ang maitim na awra na bumabalot sa likuran ko. Kahit hindi ako lumingon alam kong kay Kairo nanggagaling iyon. Walang ni isa sa amin ang gustong magsalita at tanging huni lang ng mga kuliglig sa paligid ang naririnig namin.

"Lumalamig na, pumasok na tayo para makakain na rin ng hapunan."

Nagpasalamat ako ng palihim nang binasag ni nanay ang katahimikan. Pumihit ako patalikod para tingnan siya habang iniiwasan ang mga mata ni Kairo na sinusundan ako ng tingin.

"Sige po," pagsagot ko at nginitian siya.

Tumango sa 'kin si nanay at tumalikod na. Sumunod naman sina Uno na hindi na nag-abalang magpaalam sa amin, tila nararamdaman ang tensyon at galit ni Kairo.

Nang makapasok na silang lahat at kami nalang dalawa ni Kairo ang naiwan ay saka ko lang siya tiningnan. Hindi nakalampas sa paningin ko ang nakakuyom niyang kamao at ang kilay niya na halos magpang-abot na dahil sa pagkakakunot ng noo niya.

"Pumasok na tayo sa loob," mahinahong aya ko sa kanya sa kabila ng galit niyang ekspresyon

"That's it? After almost losing my patience to that son of a bitch, we will go inside and act as if nothing happened? Really, Justine?" mariing tanong niya

Napapikit ako sa sinabi niya at naglakad papunta sa mismong harap niya. Tiningala ko siya at hinawakan ang nakakuyom niyang kamao saka ko siya niyakap.

"Sa loob tayo ng kwarto ko mag-usap, Kai, please. Huwag tayong mag-away sa harap nila nanay, nakakahiya," pakiusap ko sa kanya. Bahagya akong napangiti nang maramdaman ko ang unti-unting pagbitaw ng kamao niya at ang paghinga niya ng malalim.

"Fine," walang nagawang sagot niya kaya agad akong bumitaw at hinawakan siya sa kamay para hilahin papasok ng bahay.

Pagpasok pa lang namin sa pinto ay agad na nagsilingunan sina Uno kaya nginitian ko sila ng tipid na agad naman nilang ginantihan. Napahinto naman si nanay na kalalabas lang galing kusina.

"Nay, kumain nalang po kayo. May pag-uusapan lang kami ni Kairo sa kwarto," paalam ko sa kanya

"Sige, hija. Mauuna na kaming kumain."

Tumango lang ako at tumalikod na para maunang umakyat sa taas. Kahit nakatalikod ay ramdam ko ang mapanuring titig nila sa amin pero ipinagsawalang bahala ko na lamang dahil mas matimbang sa akin ang mabibigat na hakbang ni Kairo na para bang handa ng sumabak sa gyera.

Nang makapasok ako sa kwarto ay hinintay ko siyang pumasok pero nagulat ako nang pagpasok niya ay agad niyang inilock ang pinto at lumapit sa akin. Dahil sa kaba ay napaatras ako ng ilang hakbang lalo na nong unti-unti siyang naglakad papunta sa gawi ko habang nakatitig ng mariin sa 'kin.

"Hep, mag-uusap tayo Kai," pigil ko sa kanya dahil ilang hakbang nalang ang layo niya sa 'kin.

"Yes, we will talk wife."

"Eh bakit ka lumalapit? D'yan ka lang. Huwag kang masyadong lumapit sa 'kin."

"No, your hug can make me calm. I want to be calm when I'm talking to you. I don't want to be mad at you... you know how dangerous I am whem I'm mad," mariing saad niya at nanatili sa kinatatayuan niya.

Napabuntong hininga na lamang ako bago siya tiningnan, "Hindi ka naman nagagalit at naninigaw sa 'kin dati kapag galit ka."

"Still, pinipigilan ko ang sarili kong huwag kang sigawan."

"Ilabas mo kung galit ka. Pagtaasan mo ako ng boses pero siguraduhin mong kapag ako na ang nagtanong, masasagot mo na lahat," mahinahong sagot ko. Mas lalong dumilim ang ekspresyon niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon