Prologue

2K 15 2
                                    

Disclaimer

This story is a work of fiction.
Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning!
Contains curses, profanities, and graphic contents.

Not edited, may contain grammatical and typographical errors.


Are you willing to take the risk to become your bestfriend's wife even if your friendship is also at risk?

"Pa'no kung mainlove ako sa'yo? " Justine Rose Keenstone

"Paano kung ma-inlove ako sayo at mahalin kita higit pa sa pagiging kaibigan?" Ang tanong na palaging tumatakbo sa isipan ko ay nagawa kong itanong sa kanya.

"Force yourself not to fall in love with me because I'm a devil, at ang demonyong katulad ko ay hindi marunong magmahal. If you want to save our friendship then save yourself from falling to a devil like me."

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya at nanatiling nakatitig sa kanya.

Simpleng salita lang ang sinabi niya sa 'kin pero napakalakas ng impact dahil dinig na dinig ko ang bawat tibok ng puso ko.

"I can protect you from everything that might harm or put you in danger but I can't protect you from my own demon."

Nagulat ako ng bahagya niya akong hinila palapit sa kanya at bigla na lang niyakap.

"Spare yourself from falling to a devil like me," mga salitang iniwan niya bago siya lumabas ng kwarto ko.

*********

Itinapat ni Kairo ang kanang kamay ko sa kaliwang parte ng dibdib niya kaya naramdaman ko ang pagtibok ng puso niya. Mabilis at malakas ang tibok ng puso niya, ramdam ko ang bawat pintig nito.

"Can you feel my heartbeat? It screams your name, Justine..." sabi ni Kairo sa 'kin habang nakatingin sa mga mata ko. "You're right, I told you that you can't love me, but I fell in love with you, Tine. I can't stop myself from falling for you. I know I am a womanizer, a fucking playboy but I will change for you. When you told me to stop being a womanizer, I followed that because I love you," pagpapatuloy niya at tinitigan ang mata ko.

Nakikita ko sa mga mata niya ang pangungumbinsi, pangungumbinsing paniwalaan ang mga sinasabi niya.

"Tama ka, isang kang babaero kaya paano ako maniniwala sayo. You're a mafia boss, Kairo. You're heartless, merciless and you're a devil. You are good at deceiving people, paano kung nabigla ka lang o hindi mo naman talaga ako mahal." Huminga ako ng malalim at iniwasan ang titig niya sa 'kin. Nakakatunaw ang titig niya, parang hinuhukay ang buong pagkatao ko.

"Obssession is different from love, Kairo," muling tugon ko.

"So this is how it feels ha? The one you love doesn't believe you," mahinang bulong niya na narinig ko. Muli ko siyang nilingon na siyang pinagsisihan ko dahil nakatitig pa rin pala siya sa 'kin.

"Yes, I am merciless, a heartless devil... but my love for you proved that I still have a heart, a heart that only belongs to you," muli niyang kinuha ang kamay ko at nilagay sa bibig niya para halikan.

"Te amo y mi corazón solo te pertenece a tiI."

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon