Chapter 24

534 6 2
                                    

"Wala pa ba si Kairo?" tanong ko kay Uno. Dumating siya kaninang tanghali kasama ang tatlong tauhan ni Kairo.

"Wala pa, miss. Magkasama silang dalawa ni Drake, may inaasikaso para sa auction mamaya," sagot naman nito

Kaming dalawa lang ang narito sa sala dahil pagkatapos ng pag-uusap namin ni Val kanina ay bigla siyang umalis nang makatanggap siya ng tawag galing kay Kairo. Ilang sandali lang pagkatapos niyang umalis ay dumating naman si Uno kasama ang mga tauhan ni Kairo.

"Hmmm mamaya pa ba sila uuwi? Alas tres na kasi, hindi ba't alas syete magsisimula ang auction?"

Ang bilis ng oras, alas tres na ng hapon pero wala man lang akong natanggap na text o tawag galing kay Kairo kung nasaan siya. Ang natanggap ko lang na tawag ay 'yung nag-uusap kami kanina ni Val, na agad din naman niyang binaba.

"Hindi ko alam kung anong oras sila dadating, miss, pero sure akong magkasama kayong pupunta ni boss mamaya. Marami lang talagang inaasikaso si boss lalo na't hindi basta-basta ang auction na pupuntahan niyo," paliwanag nito habang busy sa kakapanood ng TV

Wala kaming ginagawa at pareho lang kaming nanonood ng TV. Siguro ay pumalit si Uno sa pagbabantay sa 'kin dahil bigla nalang siyang dumating kanina noong umalis si Val.

"What do you mean hindi basta-basta?" curious na tanong ko sa kanya

"Underground auction ang mangyayari mamaya, miss. Gaganapin sa black market kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ni boss."

Dadalhin niya ako sa black market? Sigurado akong hindi basta-basta ang mga taong pupunta roon. May mga sindikato at malalaking tao na halang ang kaluluwa ang dadalo, gaya ni Kairo. Black market ang tawag sa lugar na kung saan may magaganap na bintahan ng mga illegal na produkto.

"Kung ganoon bakit niya ako isasama doon? Uno, hindi kaya ibebenta ako ng boss mo?" pabirong tanong ko sa kanya. Naibuga naman niya ang iniinom niyang juice at hindi makapaniwalang nilingon ako.

"Miss naman, hindi mangyayari 'yon. Mawala ka na nga lang sa paningin namin, parang mababaliw na 'yon," umiiling na sagot niya

"Pfftt biro lang no! Saka anong mababaliw?"

"Wala, miss, hehe." Tumingin siya sa relo niya at muli akong nilingon. "By the way, miss, dadating maya-maya ang make up artist mo," saad niya sa 'kin

"Huh? Sige," tanging sagot ko sa kanya

Hanep talaga si Kairo, planado lahat ng bagay. Idinadaan sa pera ang lahat, pero ayos lang din na kumuha siya ng make up artist, hindi pa naman ako marunong mag make up. Kawawa naman ako kung wala akong make up mamaya, baka akalain nila maid ako ni Kairo.

Magsasalita na sana si Uno nang tumunog ang cellphone niya. "Miss, sasagutin ko lang 'to," paalam niya sa 'kin. Tumango naman ako at pinanuod siyang tumayo.

"Boss," rinig kong saad niya sa cellphone. Lumayo siya ng bahagya sa 'kin pero sapat lang para marinig ko ang sinasabi niya.

"Yes, boss. Nakahanda na lahat, kahapon pa," muling sagot niya.

Nanatili lang ang tingin ko sa kanya at pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Sigurado akong si Kairo ang tumatawag dahil wala naman siyang ibang tinatawag na boss pwera sa kanya.

"Copy boss." Ibinaba niya ang tawag at naglakad pabalik sa sofa na kinauupuan niya. Agad ko namang iniwas ang tingin ko at nagkunwaring busy sa panonood ng TV. Gusto kong makiusyuso kung ano ang sinabi ni Kairo pero baka akalain niya chismosa at pakialamera ako.

Kauupo lang ni Uno sa sofa para bumalik sa panonood nang biglang tumunog na naman ang hawak niyang cellphone. Hindi gaya kanina na lumayo ito sa 'kin, nanatili lang siya sa sofa at nakangising sinagot ang tawag.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon