Uno's POV
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko sina Demitri at ang apat pang capo sa labas ng kwarto ni boss. Mukhang mga siraulo ang lima dahil lahat sila ay dinidikit ang tenga sa pinto ng kwarto ni boss.
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?" tanong ko sa kanila at lumapit
"Nagalit kasi si Mistress kasi Mistress ang tinawag ko sa kanya," sagot naman ni Demitri sa 'kin.
Huh? Naguguluhang tiningnan ko sila bago muling nagsalita. "Huh? Bakit?"
"Akala niya may ibang asawa si boss."
Napahinto ako nang marealized ang sinabi ni Demitri. Ang akala ni Miss Justine ay kabit ang ibig sabihin ni Demitri kaya siya nagalit. Tsk! May kasalanan din ang isang 'to dahil hindi niya agad nilinaw ang pagtawag niya.
"Then? Anong nangyari? Bakit niyo idinidikit ang mga tenga niyo sa pinto?" Muling tanong ko dahil hanggang ngayon kasi ay nakadikit pa rin ang mga tenga nila.
"Naabutan siya ni boss na nagagalit kay Demitri," agad na sagot naman ni Zandro, isa sa mga Capo sa organisasyon.
"Mga gago! Baka mag-away sila," nanlalaking matang saad ko at gaya nila ay dinikit ko ang tenga sa pinto.
"Sus baka ibang away ang nangyayari, binuhat siya ni boss papasok eh. Baka away na nakakapawis at nakakahingal ang ginagawa nila," singit naman ni Adam, katulad ni Demitri at Zandro, Capo rin siya sa Divinchie Famiglia.
Tumahimik kami at itinuon ang pandinig sa pinto. Nailayo ko ang tenga sa pinto nang wala akong marinig na kahit ano at nang mapagtanto kong sound proof pala ang lahat ng kwarto sa mansion. "Mga bobo, sound proof ang buong mansion," saad ko at isinandal ang katawan sa pinto.
Tumawa naman si Zandro at hindi inilalayo ang tenga sa pinto. "Bobo ka rin, Sir Uno dahil ginaya mo kami," tatawang ganti nito
Sinamaan ko naman siya ng tingin at aalis na sana sa pagkakasandal nang bumukas ang pintuan.
"Putangina!" malutong na mura ko dahil natumba ako sa sahig at nakadagan sa 'kin sina Demitri.
"Putangina mo rin, Uno," malamig na ganti ni boss na nagpangiwi sa 'kin. Tanging sapatos ni boss at tsinelas lang ni Miss Justine ang nakikita ko dahil hindi ko maiangat ang ulo ko dahil sa bigat ng lima.
"Bilisan niyo ngang tumayo, ang bigat niyo," inis na saad ko. Nakadagan pa kasi sa 'kin ang lima habang ako ay nakadapa sa sahig.
Mga bwesit! Nadamay pa ako sa kapalpakan nilang lima. Nang wala ng nakadagan sa akin ay dali-dali akong tumayo at ginaya ang lima na nakatayo ng tuwid. Bumungad sa amin ang walang emosyon mukha ni boss at ang nagtatakang mukha ni Miss Justine.
"What the fuck are you doing? Are you trying to listen? " nakakunot-noong tanong ni boss sa 'min.
Itinuro ko naman ang lima at kinakabahang sumagot. "Boss, sila lang. Nadamay lang ako."
"Tsk! Move," utos nito
Agad naman kaming tumabi at hinayaan silang dumaan. Tahimik lang si Miss Justine na pinaunang maglakad ni boss habang kami ay mistulang nakahinga ng maluwag. Buti nalang good mood si boss, yari na naman kami kapag nagakataon.
Hindi pa man sila tuluyang nakakadaan nang magsalita si boss. "Chismoso," mahinang saad nito.
Justine' POV
Nakatingin lang ako habang nag-aayos si Kairo sa kwarto namin. Oo, namim dahil noong nag-usap kami kahapon. Sabi niya kwarto na naming dalawa ang kwarto niya dahil gusto niyang magkasama kami sa iisang kwarto. Pinalipat niya kanina ang mga gamit ko at tinulungan ko naman ang mga kasambahay niya na ayusin ang mga ito. Wala namang problema dahil hindi naman ako naiilang sa kanya. Bakit naman ako mahihiya at maiilang eh may nangyari na nga sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...