Pagkatapos ng pag-uusap namin ni dad ay hindi kaagad ako bumalik sa loob. Prinoproseso ko pa ang mga sinabi niya, hindi ko alam kung saan ako magsisimula at paano ko iintindihin ang mga sinabi niya. Hindi ko alam na may ganito na palang nangyayari dahil wala talaga akong napapansin na kahit anong problema kay Kairo. Nagawa pa nga niyang sumama sa akin dito sa Negros gayong iniipit na pala siya ng isang malakas na organisasyon sa Italy.
Ang akala ko ay maayos lang ang lahat at walang problema sa organisasyon niya dahil wala akong naririnig na kahit ano pwera nong issue kay Vinhamin, tapos ngayon ay bigla ko na lamang malalaman na made-deklara siya ng digmaan para sa akin.
Jusko! War? Naiisip ko pa lang na marami ang mamamatay dahil sa 'kin, hindi na kaya ng konsensya ko.
"What took you so long?"
"Ay war!" wala sa sariling saad ko at bahagyang napatalon nang may biglang nagsalita sa likod ko.
"What?" tanong ni Kairo
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko manlang napansin ang pagpasok ni Kairo. Nilingon ko siya at bumugad sa akin ang malamig na titig niya gaya ng kanina na parang tatagos sa buto ko.
"Wala, mamayang gabi pag-uwi natin sa bahay mag-uusap tayo. Marami akong gustong sabihin at itanong sayo," inis na saad ko at tiningnan siya ng masama.
Lumambot naman ang tingin niya sa akin at tila naguluhan sa sinabi ko. Hindi ako nagpatinag at mas lalong sinamaan siya ng tingin. Subukan niya lang talagang magsinungaling o hindi sumagot sa mga tanong ko mamayang gabi at sisiguraduhin kong bukas na bukas din ay uuwi siyang mag-isa sa Manila.
"What did I do? Manong said you're talking to someone on the phone. Is it one my flings before? Is it Faye? May problema ba sa company?" sunod-sunod na tanong niya.
Pinaningkitan ko lang siya ng tingin at inirapan. "Hindi si Faye, hindi rin babae mo dati. Mamayang gabi na natin pag-usapan. Huwag mo munang sirain pa lalo ang mood ko ngayong umaga."
"May nagawa ba akong mali? Tell me so I can fix it," kalmadong tugon niya kahit pa inis na inis na ang boses ko.
"Basta, huwag muna ngayon at baka madagdagan ang inis ko sayo."
"Damn! Ako dapat ang naiinis at nagseselos ngayon dahil sa pesteng David na 'yon," bulong niya na umabot naman sa pandinig ko.
"Ano? May sinasabi ka?" inis na tanong ko at lumapit sa kanya
"Nothing, I said I'll shut my mouth now," saad niya at umaktong tinitikom ang bibig
Ewan ko ba pero dahil sa sinabi ni dad ay naiinis ako ngayon ng sobra. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niyang magdedeklara ng war si Kairo o dahil sa part na pinili niyang itago sa akin ang mga nangyayari.
"Lumapit ka nga at yumuko ka," utos ko.
Nagtataka man ay pinili niyang sundin ang utos ko at yumuko sa harap ko. Dahil sa asar ay hinawakan ko ang leeg niya gamit ang dalawang kamay ko at inalog-alog siya.
"Nakakainis ka, alam mo ba 'yon? Ang sarap mong sakalin," saad ko habang hawak ang leeg niya.
"Dwarf, stop it."
Nagulat ako at awtomatikong napabitaw sa leeg ni Kairo nang may humawak sa braso ko at pwersahan itong hinila palayo sa kanya. Napalayo ako at bahagyang napaatras nang makita si Mark na nagtatakang nakatingin sa akin.
"Miss anong ginagawa mo? Papatayin mo ba si boss?"
Natahimik ako at hindi kaagad nakasagot sa tanong niya dahil seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...