Chapter 11

446 5 0
                                    

Napabuntong hininga na lamang si Kairo bago umupo sa tabi ni Justine na mahimbing ang tulog at nababakas pa sa mukha nito ang mga natuyong luha. Muli niya itong kinumutan at sinuklay ang mahabang buhok nito gamit ang mga kamay niya.

Medyo kumalma at nabawasan na ang galit niya ng nagantihan at napatay niya na ang taong gumawa non kay Justine. Hindi niya itatanggi na nag-alala at kinabahan siya kanina nang makatanggap siya ng tawag galing kay Uno.

Mas lalong nadadagdagan ng kaunti ang pagsisisi niya kung bakit si Justine ang naisipan niyang pakasalan dahil unti-unti na itong nadadamay sa magulo at delikadong mundo ng mafia.

Pagod na sinuklay niya ang buhok niya bago tumayo saka dumiretso sa sofa na inuupan ni Drake kanina. Tahimik lang siyang nakatitig dito habang nagsisindi ng sigarilyo, iba't ibang palaisipan at alalahanin ang pumapasok sa isipan niya habang nakatitig sa natutulog na dalaga.

Isa na doon ang kaligtasan nito, na mukhang sisimulan niya ng problemahin lalo na't masyado itong pasaway at minsan ay hindi nakikinig sa kanya, idagdag pa ang mga bagay at sekreto na bumabagabag sa isipan niya.

Napahinto siya sa pag-iisip nang humikbi bigla ang dalaga at bigla na lamang sumigaw, kaya agad niya itong nilapitan at inalo. Nananaginip ito ng masama dahil panay ang sigaw at tawag nito sa pangalan niya habang umiiyak.

"Kairo," humihikbing tawag nito sa pangalan niya nang magising ito sa panaginip.

Hindi naramdaman ni Kairo ang pagkailang ng yakapin siya ni Justine at ibinaon ang mukha nito sa dibdib niya. Napatingala na lamang siya sa kisame at hinaplos ang buhok nito, saka na lamang siya napatigil ng maalala niyang kailangan niya pa lang painumin ng tubig si Justine.

Agad s'yang tumayo at iniwan ito saglit para kumuha ng tubig.

"Here, drink this." inabot niya ang isang basong tubig na agad namang tinanggap ni Justine

Bakas pa rin sa mukha nito ang takot at lungkot dahil sa naranasan niya kanina kaya parang unti-unting bumalik ulit ang galit ni Kairo sa gumawa nito kay Justine na ngayon ay nasa bahay na ni Don Vinhamin.

Niyakap niya muli ang dalaga hanggang sa unti-unti itong pumikit sa mga bisig niya.

Samantala...

Napatingin ang mga tauhan ng matandang si Don Vinhamin sa harap ng gate nila ng mapansin ang isang kulay pula na kahon na nilagyan ng isang kulay itim na laso. Kahit nag-aalinlangan ay nilapitan nila at nagpasyang buksan.

"Try to send another men or traitor to my organization at sisiguraduhin kong mas malala pa dyan ang mararanasan mo at ng tauhan mo. Wait for my revenge and to your death Franco Vinhamin."

Namutla ang mga ito pagkatapos buksan at mabasa ang sulat na nasa loob ng kahon na isinulat gamit ang dugo. Awa at takot ang nararamdaman nila habang nakatingin sa kasamahan na pira-piraso na lamang na isinilid sa isang kahon at hindi na mamukhaan dahil sa putol-putol na katawan nito na pinagsama-sama na lamang.

Kahit na natatakot ang mga ito sa nakita ay dinala pa rin nila ang kahon sa harap ng amo nila na ninigarilyo lang habang kausap ang nag-iisang anak na lalaki at nasa gilid naman nito ang iilan sa mga tauhan niya. Agad na kumunot ang noo ng matanda nang mapansin nito ang kahon na hawak ng mga tauhan niya.

"Ano 'yan? " agad na tanong nito sa tauhan niya

"G-Galing po sa pinuno ng Dark Alpha Society," nauutal na sagot nito sa siyang ikinainis ng matanda. Agad nitong sinenyasan ang tauhan na buksan ang kahon.

Napasinghap na lamang ang anak niyang lalaki pagkakita sa laman ng kahon. Maging siya ay hindi napigilang magulat ng bumugad sa kanya ang pugot na ulo ng tauhan at ang putol-putol na parte ng katawan nito.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon