"Aalis ka Miss?" tanong ni Uno sa 'kin nang madaanan ko silang nag-uusap ni Drake sa sala. Marahil ay napansin nito ang suot ko. Nagpalit kasi ako ng pantalon at jacket na kulay blue pagkatapos naming kumain kanina.
"Yup! Manonood ako ng karera."
"Nagpaalam po ba kayo kay boss?" umiling naman ako at iniwan silang dalawa sa sala
Hindi ako magpapaalam kay Kairo. Bahala siya sa buhay niya. Pagkatapos niya akong pagalitan kanina? Kung gusto niyang mag-usap kami, siya ang maunang lumapit sa 'kin.
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa garahe ng mansion ni Kairo, nang harangin ako ng mga tauhan niya.
"Saan kayo pupunta ma'am? Lalabas kayo ng mansion?" tanong ng isa sa 'kin
"Oo, may pupuntahan ako kaya padaanin niyo ako." Nagkatinginan naman ang mga ito at nanatili sa kinatatayuan
"Pasensya na ma'am pero ang utos po ni boss sa amin ay huwag kang hahayaang lumabas."
Tanginang Kairo! Ano na naman ang trip ng isang 'yon at gusto akong ikulong dito sa mansion. Dahil ba 'to kanina? Ang laki yata ng galit niya sa 'kin at talagang hindi pa ako papayagang lumabas.
"Tumabi kayo, aalis ako kung kaila ko gusto," sagot ko sa kanila at hahakbang na sana ngunit kung saan ako hahakbang doon din sila humaharang.
"Kung gusto niyo po ay magpaalam muna kay boss. Hihintayin namin ang utos niya."
Napahilamos na lamang ako sa mukha dahil sa sobrang inis. Walang patutunguhan 'to, kahit magpumilit ako ay hindi talaga nila ako papayagang umalis dahil na kay Kairo ang loyalty nila. Kung ano ang utos ng amo nila ay 'yon din ang susundin nila.
Basta ayokong magpaalam kay Kairo. Dapat siya ang maunang kumausap sa 'kin. Gagawan ko 'to ng paraan. May daanan naman sa likod ng mansion niya, doon nalang ako dadaan.
Naglakad ako papunta sa likurang bahagi ng mansion at ganoon na lamang ang inis ko nang hindi pa man ako nakakalapit ay nagkalat na ang mga tauhan niya. Kahit saang bahagi ako lumingon ay may mga tauhan siyang nagbabantay. Nakakaasar talaga! Hindi ko naman magawang takasan ang mag 'to dahil siguradong mahuhuli lang din ako.
Sa tangkad ba naman ng mga 'to, dalawang hakbang ko ay isang hakbang lang sa kanila.
No choice! Kailangan kong magpaalam sa kanya. Lulunukin ko muna ang pride ko at ang sinabi ko kanina na hindi ako mauunang kausapin siya dahil kapag hindi ko ibababa ang pride ko, siguradong hindi ako makakalabas ng mansion.
Sunod-sunod na katok ang ginawa ko sa pintuan ng opisina niya hanggang sa marinig ko ang pag click nito, tanda na bukas na.
"What do you want? Need something?" nakangising bungad nito sa akin. Halata mo sa mukha niya ang pang-aasar.
"Aalis ako. Manood ako ng karera." Bwesit! Sigurado akong alam niya kung ano ang pinunta ko rito.
"Then?" pagmamaang-maangan nito
"Payagan mo akong umalis, utusan mo ang mga tauhan mo na huwag akong harangin," inis na sagot ko sa kanya. Bumalik ang seryosong mukha nito bago sumagot sa 'kin.
"No"
"Anong no? Paalisin mo sabi ako!"
"Why would I? Hindi ka nga humingi ng sorry sa ginawa mo kanina," pang-iinis nito
Anong? So tama ako ang issue pa rin niya ay ang nangyari kanina. Nakakainis talaga, porke't siya ang may kontrol dito at alam niyang wala akong magagawa, ginagawa niya ang gusto niya. Demonyo talaga.
"Edi sorry! Ano ayos na?"
"Still no," sagot nito at may tinitipa ng kung ano sa cellphone niya
"Ano ba ang gusto mo ha!" Kulang nalang ay ibato ko sa kanya ang hawak kong susi dahil sa sobrang inis.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...