Chapter 47

566 8 5
                                    

Third Person's POV

Nakaupo ang isang lalaki sa kama niya habang naninigarilyo. Katatapos lang nitong maligo at mag-ayos ng gamit sa isang maleta. Maya-maya ay muli siyang bumalik sa loob ng banyo habang dala ang kanyang cellphone.

Paulit-ulit na bumuga siya ng usok galing sa hawak niyang sigarilyo habang nakasandal siya sa sink. Tinipa niya ang hawak niyang cellphone at may tinawagan.

Ilang ring lang ay agad ding sumagot ang kabilang linya. "Hi, honey, did you miss me?"

"I miss you. I have a good news, sweetheart," nakangising sagot niya at muling humithit ng sigarilyo.

"What is it?" excited na tanong nito sa kabilang linya

"Hmm, aalis kami ngayon papuntang Negros, guess who's with me?"

"Who? Kalix or that stupid bitch?" agad na tanong nito at mababakas sa boses ang kuryosidad

Mahinang natawa ang lalaki at napailing. "Both, sweetheart. Pinapasama kami ni Divinchie, that means mas lalo ko pa siyang mababantayan," masayang sagot niya sa babaeng tinatawag niyang sweetheart

"Really? That's good, honey. Mababantayan mo ang bawat galaw niya," natutuwang tugon nito. Humagikgik ito sa malanding paraan at muling nagsalita. "As a reward kapag bumisita ka rito, hahayaan kitang angkinin ako ng paulit-ulit sa kahit anong position. You know I miss doing that with you, kailan ka ba pupunta rito?"

"Damn! Me too, I want to kiss you badly. Sorry, sweetheart, it will take time. Hindi ako makakaalis ng basta-basta dahil naghigpit ng siguridad si Divinchie," huminto siya saglit nang maalala ang nangyari sa lalaki. "Speaking of that asshole, nabaril siya last week," pagbabalita niya sa babae

"Really? Is he dead?" natatawang nito

"No, that fucker is lucky. Hell won't accept him, he's still alive."

"Tss! Sayang naman, excited pa naman akong dumalaw sa lamay niya," dismayadong sagot nito.

Tumawa naman ang lalaki at itinapon ang sigarilyo sa bowl saka ito flinush. Kahit siya ay dismayado na hindi natuluyan ang lalaki sa pagkakabaril nito. Ang akala pa naman niya ay critical ang lagay nito dahil sa dibdib ito tinamaan.

"Parang wala pa yatang balak na iharap ang asawa niya sa council, handa siyang magdiklara ng digmaan para kay Justine."

"What? Is he that obsessed? Is he fucking crazy? He's willing to declare war just for that stupid weak bitch?" inis na tanong nito sa lalaki. Maya-maya ay nawala ang inis nito at napalitan ng ngisi. "But it's fine. I know his father won't allow it, I will tell this to my father. Sasabihin ko sa kanya na pinili pang magbakasyon ni Kalix kaysa sundin ang paanyaya ng council na iharap ang asawa niya. I just need to pull some strings and that mafia boss will be back in Italy begging not to kill his wife," tumatawang sagot niya sa lalaki.

"Yeah, the old Divinchie won't allow that. He loves his precious organization... that soon will be mine," nakangising saad niya bago nagsalita ulit. "Alright, I will just update you. Ibababa ko na baka hinahanap na ako, don't call me," tugon niya at nagsimulang ayusin ang sarili.

"Okay, honey, I love you."

"I love you too," sagot niya at ibinaba ang tawag, bago lumabas ng banyo ay dinelete muna niya ang call history at siniguradong walang number ng kausap ang makikita.

Justine's POV

"Kairo ang tagal mo d'yan!" sigaw ko kay Kairo na nasa banyo.

Ngayon na kami pupuntang Negros at super excited na ako kasi sa wakas makikita ko na sina Nanay. Matagal na kasi nong huling bisita ko sa kanila, siguro mga last year pa. Hindi rin kasi sila nakakapunta rito kasi nga daw malayo, nakakapagod daw ang byahe. Last na pumunta sila is nong graduation ko pa at sobrang tagal na non.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon