Chapter 26

568 7 0
                                    

Iginaya sila ng lalaki sa isang lamesa na may nakalagay na apelyido ni Kairo. Nasa gitna ito at nakaharap mismo sa stage. Pasimple namang inilibot ni Justine ang kanyang paningin sa auction hall, maganda at magara ang venue pero iba ang ambiance nito. Parang may namumuong tensyon sa bawat taong naroroon.

"Are you okay?" Nilingon niya si Kairo sa tabi niya nang bigla itong nagsalita at nakatitig sa kanya.

"Ayos lang, hindi lang ako sanay sa ganito."

"Hmm, don't worry I'm here," muling saad nito at itinuon ang paningin sa stage.

Nginitian niya naman si Uno at Drake na nakatingin sa kanila ni Kairo habang nakatayo sa gilid nila. May tatlong bakanteng upuan naman sa lamesa pero mas pinili nilang tumayo. Kapwa nakatayo silang dalawa ng tuwid at nagmamasid sa paligid na para bang handang sumalo ng bala para kay Justine at sa amo nila. Tulad ng ibang tauhan ni Kairo, mayroon din silang suot na earpiece na kulay itim na nakakonekta sa lahat ng tauhan nila na naroroon sa venue.

Binalik ni Justine ang kanyang tingin sa stage at hindi na lamang pinansin ang mga matang nagmamasid sa kanila. Simula nang dumating sila sa auction hall ay nasa kanila na ang atensyon ng mga taong naroroon. Nag-uusap ang mga ito habang nasa kanila ang tingin. Lalo na ang mga binata at dalagang halos lumuwa na ang mata na nakatitig sa kanila.

"Kairo, wala bang pagkain dito?" mahinang bulong ni Justine sa kanya nang makaramdam siya ng gutom

"What the fuck? You didn't eat earlier?" inis na tanong ni Kairo sa kanya

"Hindi, alas tres pa lang nang sinimulan akong ayusan kaya hindi ako nakakain," muling bulong niya.

Malamig ang tingin ni Kairo na nilingon siya bago inilibot ang tingin nito. Huminto ang paningin niya sa gilid kung saan may isang lamesa na nilagyan ng pagkain para sa mga dumalo sa auction. "There's food there, magpasama ka kay Uno," saad niya sa dalaga na mistulang nagliwanag ang mukha nang makakita ng pagkain.

"Hindi na, nand'yan lang naman oh, kukuha lang ako ng pagkain."

"Fine but come back here after you get your food. Bring your food here and huwag mo munang tikman o kainin." Kumunot naman ang noo ni Justine at nagtatakang nilingon ang binata, "Bakit naman?" tanong niya rito.

"Just do what I said."

Hindi na muling nagsalita o umalma si Justine at tumayo na lamang sa kinauupuan niya. Habang naglalakad siya papunta sa table na may mga pagkain ramdam niya ang titig sa kanya ng mga taong naroroon. Ipinagsawalang bahala nalang niya ito at kumuha ng mga pagkain na nasa lamesa. Wala siyang pakialam sa kanila dahil nagugutom na siya, hanggang tingin lang naman ang mga ito dahil alam niyang takot sila kay Kairo.

Patuloy lang siya sa pamimili ng pagkain nang may tumikhim sa gilid niya. Nilingon niya ito at bahagyang nagulat nang makita niya ang isang binata na kulay pula ang buhok. Mahaba ang buhok nito at mukang hapones.

"Ah do you need something?" nagtatakang tanong niya

"Nothing, I just want to have a little chitchat with you," nakangising sagot nito sa kanya

"Pardon?"

Mahina itong natawa habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay. "You are the date of Mr. Divinchie, right?" tanong nito.

Tumango naman si Justine habang may pagtataka sa mukha, naguguluhan siya kung bakit bigla na lamang itong lumapit sa kanya at kinausap siya na para bang matagal na siyang kilala nito.

"I'm Andrew, by the way, and you are?" pagpapakilala nito at inilahad ang kamay

"Justine," maikling sagot niya at hindi tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon