Tahimik lang na nililinis ni Justine ang sugat ni Kairo habang ang binata ay nakangiti lang na pinagmamasdan siya.
"Nginingiti-ngiti mo d'yan? Gusto mo bang dagdagan ko ang sugat mo?" masungit na tanong nito
"You're beautiful, lucky me," sagot nito at hinalikan ang noo ng dalaga
"Pancit canton?" tatawa-tawang ganti niya rito.
Napailing naman si Kairo at napangiti na lamang. Palagi talaga nitong sinisira ang banat niya.
"Ayan tapos na," saad ni Justine pagkatapos lagyan ng bandage ang kamay niya. Kinuyom-kuyom niya naman ito bago ibinalik sa lalagyan ang first aid kit.
"Kumain na tayo."
Napalingon naman si Kairo sa kanya "You did not eat your dinner?" kunot-noong tanong nito
"Hinintay kita," sagot naman niya
"Tsk! Let's go down stairs."
Naglakad ito papunta sa kanya at binuhat siya ng walang kahirap-hirap. Kumapit naman siya sa batok nito. Napahinto siya nang may maramdaman siyang tumutusok sa tagiliran niya.
"Kairo, tumutusok 'yung baril mo."
"Which one?"
Kumunot naman ang noo niya at nagtatakang tiningnan ang binata, "Anong which one?"
"Which gun? The real gun or the gun that can make you pregnant?"
Tiningnan niya ito ng masama at hinila ang tenga, "puro ka talaga kamanyakan."
Imbis na masaktan ay tumawa lang ito at umiling-iling saka muli siyang binaba. Kinuha ng binata ang baril sa tagiliran at nilagay sa likuran ng suot niyang suit. Muli siyang binuhat nito at tahimik na lumabas ng kwarto.
"Good evening, miss," bati ni Uno sa kanya
Hindi na siya nakasagot nang tumalikod na si Kairo at pumasok sa kusina. Pinaupo siya nito at sinenyasan ang kasambahay na umalis.
"What do you want to eat?" tanong nito
Nagulat naman si Justine at tiningnan siya na hindi makapaniwala. "Magluluto ka?" gulat na tanong nito
"Yeah, so what do you want?"
"Seryoso ka? Kahit ano?"
Tumango naman ito at sumandal sa sink habang hinihintay ang sagot niya. Napangiti naman siya at nag-isip kung ano ang gusto niyang kainan. Nang maisip kung ano ang gusto niyang ipaluto ay ngumiti siya ng malapad kay Kairo. "Gusto ko ng adobong manok," saad niya rito
"Alright, I'll cook it."
"Ay hehe may iba pa pala, pwedeng mag request ng dalawa pang pagkain?" tanong niya rito.
Ngumiti naman si Kairo at tumango bago sumagot, "Yeah, so what food my baby wants?" Nakataas kilay na tanong nito.
"Pwedeng pati na rin burger at fruit salad?"
"Hmm, okay. What my queen wants, my queen gets," saad nito at tumalikod na.
Lumapit ito sa ref at kinuha ang mga sanghap na gagamitin habang si Justine ay nakatingin lang sa binata. Bago nagsimula ay hinubad muna nito ang suot na suit at long sleeves kaya wala na itong damit pang-itaas.
Nagsimula na itong maghiwa ng mga isasahog at hindi naiwasan ni Justine na lumunok ng ilang beses habang nakatitig rito.
"Do I look hot?" hindi nakatinging tanong ni Kairo
Umiwas naman ng tingin si Justine at tumikhim "Hindi ah," pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay hot naman talaga ang binata. Lalo na't lantad ang matigas na dibdib nito na may tattoo.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
Ficción GeneralJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...