"Boss," tawag ng tauhan niya pagbaba pa lang ni Kairo sa sasakyan.
"Get out of my way!" sigaw niya habang buhat si JustineTumatakbo siya papasok ng mansion habang buhat-buhat ang walang malay na asawa. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay naghihintay na sa pintuan ang personal doctor at nurse niya. Nagmamadaling ipinasok niya ang dalaga sa kwarto kung saan ito gagamutin. Hindi basta-basta ang mansion niya, mayroon itong kwarto katulad ng isang operating room sa hospital. Kompleto ang mga gamit para sa operasyon at sugat katulad ng tama ng baril. Pinasadya niya ito dahil may mga pagkakataon na pinipili niyang huwag pumunta sa hospital para magpagamot.
"You can wait outside this room, kuya," saad ng doctor pagkatapos niyang ilapag si Justine sa higaan.
"Can I wait here instead?"
"No, lumabas ka. Hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko kung nand'yan ka," sagot nito. Wala siyang nagawa kundi lumabas na lamang at maghintay kung kailan matatapos ang paggamot kay Justine.
"Boss, magiging maayos din si Miss Justine," pagpapakalma ni Uno sa kanya
Hindi siya sumagot at umupo na lamang sa sahig saka isinandal ang ulo sa pader. Hindi niya ipagkakaila na labis ang pag-aalala niya kay Justine, lalo na noong makita niya ang pagbaon ng katana sa leeg nito. Gusto niyang pumasok ulit sa loob ng kwarto at tignan ang kalagayan ng dalaga ngunit alam niyang madidisturbo ang doctor kung muli siyang papasok doon. Mas pipiliin na lamang niyang maghintay kaysa mas lalong malalagay sa alanganin ang buhay ng dalaga.
"Val, what happende awhile ago?" Nilingon niya ang tauhan na gaya niya ay tahimik na naghihintay sa labas ng kwarto kung saan ginagamot si Justine. Ang tinutukoy niya ay kung paano napunta ang dalaga sa mga kamay ni Vinhamin.
"Malapit na sana sa exit si Justine nang mahuli siya ng tauhan ni Vinhamin, boss. Hindi ko siya nagawang iligtas dahil may mga tauhan din si Vinhamin na kailangan naming tapusin sa itaas. Sorry, boss. Tatanggapin ko na lang ang parusa na ipapataw dahil sa kapabayaan ko," paliwanag nito at lumuhod sa harapan ng boss. Hindi niya nagawa ng maayos ang trabaho niya bilang protector ng dalaga kaya may ipapataw na parusa para sa kanya.
"Next time do your job well. I will give your punishment tomorrow, get up!" walang bahid na emosyon na sagot ni Kairo sa kanya. Agad namang tumayo si Valerie at tuwid na tumayo sa harapan ng boss.
"Drake," tawag niya sa underboss niya
"Yes, boss?" ganti nito at tumayo ng tuwid
"Track Vinhamin and find his son. Burn their company into ashes and bomb their teritory. I want to see the news tomorrow morning. Bring his son to me, I want it ASAP," utos niya at nagtiimbagang saka kinuyom ang mga kamao niya.
"Dead or alive, boss?"
"Alive," maikling sagot nito.
Napangiwi naman si Uno at Drake dahil alam nila ang mangyayari. Totohanin niya nga sinabi niyang pati lahi ng matanda ay uubusin niya. Hangga't hindi niya nahahanap si Vinhamin ay ang anak nito ang sasalo sa galit niya. Papahirapan niya silang dalawa hanggang sa sila mismo ang magmakaawang patayin nalang.
Pagkatapos niyang kausapin si Uno at Drake ay agad na itong umalis para gawin ang inuutos niya. Gusto niyang mapanood sa balita bukas na bumagsak na ang kompanya ng matanda at sumabog na ang hideout nito. Kung noong una ay nakikipaglaro pa siya rito, ngayon ay ubos na talaga ang natitirang pasensya niya. Pati ang asawa niyang walang kamalay-malay ay isinali ng matanda sa gulo ng mafia.
Naiwan silang dalawa ni Val at ang ilang tauhan niya sa labas ng pinto kung saan ginagamot si Justine. Naiinip na siya sa kakahintay at mas lalong nadadagdagan ang inis niya kung bakit ang tagal lumabas ng doctor. Kung pwede lang siyang pumasok ay kanina niya pa ginawa.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...