Third Person's POV
"You're done?" tanong ni Kairo kay Justine nang makita niyang wala nang laman ang plato nito.
Tumango naman ang dalaga at nginitian siya. Liligpitin na sana niya ang pinagkainan nang lumapit si Kairo sa kinauupuan niya at walang pasabing binuhat siya. Iniwasan nalang niya ang mga nakangising mukha ni Uno at Drake na waring tinutukso silang dalawa ni Kairo.
"Sweet naman ni boss samantalang sa 'tin daig pa si satanas," saad ni Drake kay Uno
Huminto naman sa paglalakad si Kairo at nilingon ang dalawang tauhan. "I heard that."
"Sorry, boss, hehe" kakamot-kamot sa ulong paghingi ng tawad ni Drake
Hindi na sumagot si Kairo at nagpatuloy nalang sa paglalakad habang buhat si Justine. Wala namang nagawa ang dalaga kundi humawak nalang sa batok ni Kairo. Hindi niya maiwasang titigan ang mukha nito dahil nakatingala siya sa binata. Nakakunot ang makapal na kilay ni Kairo at deritso ang tingin habang naglalakad. Tunay ngang nakapagwapo ng asawa niya. Mula sa makapal na kilay nito, kulay asul na mata, matangos na ilong, pulang labi at perpektong hugis ng mukha, hindi na nakakapagtaka kung bakit lahat ng madadaanan niyang babae ay mapapalingon talaga.
"Why are you staring at me?" tanong nito sa kanya. Nakita niya kung paano magtaas-baba ang adams apple nito nang lumunok si Kairo.
"Hindi kaya kita tinitigan," pagsisinungaling niya rito.
"Really? I can feel it, baby dwarf."
Napasimangot na lamang siya nang pinandigan nga nito ang pagtawag sa kanya ng baby dwarf. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil may baby ito o maiinis dahil may kasunod ding dwarf.
"Tinitignan ko lang ang tattoo mo," palusot niya kahit ang totoo ay mukha naman talaga ni Kairo ang tinitignan niya.
"I thought you were staring at me because you love me and you're planning to kiss me."
Napakunot na lamang ang noo ni Justine at weird na tinitigan si Kairo. "You're starting to become delusional," saad ni Justine sa kanya.
"I'm not. It is not purely delusion because days from now I know you'll reciprocate my feelings," nakangising sagot nito at kinindatan siya.
Napaikot na lamang ang mata ni Justine dahil sa kayabangan nito. Masyado itong kompyansa na mahuhulog din si Justine sa kanya.
"Yabang! Malay mo iba pala ang gusto ko," pang-aasar pa ni Justine sa kanya. Napahinto naman sa paglalakad si Kairo at galit na tiningnan siya.
"Tell me who's that man so I can fucking kill him immediately," inis na saad nito na ikinatawa ni Justine. "Joke lang!" tatawa-tawang ganti ni Justine.
"Let's take a bath together," sagot ni Kairo pagkapasok nila sa kwarto ng binata.
Nanlaki naman ang mata ni Justine at nagpumiglas sa pagkakahawak ni Kairo.
"Waaaa, ayoko!" Gumalaw-galaw siya ngunit mas lalong hinigpitan ni Kairo ang pagkakahawak sa kanya.
"Don't move, you might fall."
"Ayoko nga eh, baka mamaya...baka mamaya biglang ano..." hindi maderitsong saad niya.
"What?" Nakataas-kilay na tanong ni Kairo sa kanya
"Baka hindi ka makapagpigil, bubuka ang mga sugat ko," mahinang sagot niya at hindi makatingin kay Kairo.
Narinig niya ang pagtawa ng binata at maya-maya ay nakita niyang binuksan nito ang pinto ng banyo. Wala na siyang nagawa nang pumasok ito sa loob at dahan-dahan siyang inilapag sa bathtub.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
BeletrieJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...