Chapter 15

442 7 0
                                    

Kasalukuyan pa rin akong nakaupo sa swivel chair habang si Kairo ay nakatayo sa harap ng glass wall ng opisina niya habang may bitbit na baso na may lamang alak. Tahimik lang itong nakatingin sa labas habang nakapamulsa at parang may malalim na iniisip. Kung hindi ko lang 'to kilala, iisipin kong nag e-emote ito dahil broken hearted pero matigas pa sa bato ang puso niyan kaya imposibleng mangyari iyon.

Pareho kaming napalingon nang sunod-sunod na katok ang narinig namin galing sa pintuan.

"Open the door, click the button there," utos niya sa 'kin at itinuro ang button sa ilalim ng lamesa niya. Pinindot ko naman ito at agad na bumukas ang pintuan saka pumasok si Uno na masama ang timpla ng mukha. Lalapit na sana ito sa lamesa ni Kairo pero agad na napatigil ng makita niya na ako ang nakaupo sa swivel chair ni Kairo.

"Boss, may problema," baling niya kay Kairo na nakapamulsang nakatayo sa harapan niya. Agad namang kumunot ang noo nito bago sumagot "What?"

"Pinasabog ang bar mo. Maraming tao ang nadamay."

"Ano?" "What?" Magkasabay naming tanong ni Kairo sa kanya.

"Tumawag sa 'kin ang tauhan natin, boss. Bigla na lamang daw sumabog ang bar mo. Hula ko ay tao ni Vinhamin ang may gawa," problemadong sagot ni Uno sa kanya.

Bahagya akong napahawak sa dibdib ko ng biglang binato ni Kairo sa pader ang hawak niyang baso at kinuyom ang kamao niya.

"That old man is getting to my nerves. Let's go, Uno, we'll check the situation there! " inis na sabi niya kay Uno

"Teka lang, paano ako? Maiiwan ako rito?" pigil ko sa kanya dahil naglakad na ito papunta sa pintuan habang nakasunod si Uno sa kanya

"You stay here with Faye. Babalikan kita mamaya."

"Ayoko nga, sasama ako." Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya saka humawak ng mahigpit sa suot niyang suit.

"Fine," napipiliting sagot nito dahil hindi ko talaga inalis ang pagkakahawak ko sa kanya

"Faye, cancel all my meetings this afternoon," utos niya sa sekretarya ng madaanan namin ito sa labas ng opisina niya. Sinubukan pa ngang sumagot ni Faye ngunit itinikom din niya ang bibig niya ng deri-deritsong naglakad si Kairo at nilagpasan lang siya.

Nakasunod lang ako kay Kairo habang si Uno ay nakasunod din sa 'kin habang naglalakad kami palabas sa kompanya niya. Nagulat ako ng bigla siyang huminto kay nabangga ako sa likod niya

"Ano ba? Ang sakit ng ilong ko," asar na saad ko sa kanya

"Tsk! Walk beside me," sagot nito at hinila ako sa tabi niya. Bahagya akong tumigil ng maramdaman ko ang paghawak nito ng marahan sa bewang ko habang naglalakad kami

"Ano ba? Tanggalin mo nga 'yan," mahinang bulong ko sa kanya upang hindi marinig ng mga empleyado niya na nakatingin sa 'min or rather nakatingin sa kamay niya na nakahawak sa bewang ko.

Parang wala naman itong narinig at patuloy lang sa paglalakad habang nakahawak sa 'kin. Hanggang sa makarating kami sa parking lot ay nakahawak lang ito sa 'kin at saka lang bumitaw ng pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Gentleman mo naman boss," biro ni Uno sa kanya agad naman itong tumahimik ng samaan siya ng tingin ni Kairo bago pumasok sa driver seat.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Kairo habang nakasunod sa 'min si Uno at ang iba pang mga tauhan niya habang ako ay inaantok lang na nakatingin sa bintana ng kotse. Kaunti nalang pipikit na ang mata ko, kapag kasi ganitong oras ay inaantok talaga ako.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakarating kami sa bar na sinasabi ni Uno. Shit! Ito yung bar na palagi naming tinatambayan ni Kairo kapag naisipan naming uminom. Pagmamay-ari niya 'to at ditong bar din kaming dalawang nagkakilala. Sino kaya ang sinasabi ni Uno kanina na Vinhamin.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon