Uno's POV
Kanina ko pa sinusundan ang isa sa mga tauhan ni boss at tama nga hinala niya dahil isa ito sa mga traydor na binabayaran ng kalaban naming sindikato para kumuha ng mga impormasyon.
Paniguradong kapag naubos na ang pasensya ni boss sa taong 'to ay mararanasan niya ang pinaka masakit at pinakanakakatakot na kamatayan niya.
Naiisip ko pa ang mga bagay na 'yon ay kinikilabutan at tumatayo na ang balahibo ko. Ako ang kanang kamay ni boss pero minsan hindi ko nasisikmura ang mga ginagawa niya sa mga taong may atraso sa kanya.
Natutuwa ako 'pag kasama niya si miss Justine kasi nag-iiba ang ugali niya. Kaya niyang habaan at kontrolin ang pasensya at galit niya kapag kasama niya si miss Justine pero kung hindi, siguradong maiihi ka sa pantalon 'pag nakita mo siya kung paano magalit.
Pero balik tayo sa senaryo ayon nga ang gagong traydor at may kausap sa cellphone.
Sige lang, lubos-lubosin mo na ang natitirang araw mo dahil baka bukas o makalawa ay hindi ka na sisikatan ng araw.
Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay nabubulilyaso ang mga transaksyon namin dahil may nanggagago pala sa mga transaction namin.
Patuloy ko lang binabantayan ang bawat galaw ng traydor ng may lumapit sa kanya na isa rin sa mga tauhan namin.
Aba! hindi lang pala isa ang traydor sa organization tsk! mukhang kailangan na talaga naming higpitan ang siguridad ng grupo dahil nagkalat na ang mga anay na unti-unting nagbabalak na gibain ang organisasyon na pinalawak ni boss.
Justine'wsPOV
"Choose whatever you want."
Nandito kami ngayon sa isang jewelry shop at kasalukuyan akong pinapapili ni Kairo ng singsing.
"Hindi naman na kailangan ng singsing Kairo eh."
Sus bakit kailangan pa ng singsing eh maghihiwalay din naman.
"Just choose whatever you want."
Tumango na lamang ako at tumingin sa mga nakahelerang singsing sa counter.
Dumapo ang tingin ko sa isang singsing na unique ang design at ang nag iisang singsing na hiwalay sa ibang nakahelera.
Simple lang ang design niya pero may heart shaped diamond sa gitna nito na nakakakuha ng atensyon dahil kumikinang ito na ito na parang isang mamahaling dyamante.
"You want that ring? " turo niya sa tinitingnan ko pero hindi ako sumagot
Syempre, kailangan pakipot effect baka akalain niya sobrang gusto ko talagang magkaroon kami ng singsing. Naku! baka lumaki ang ulo nito 'pag tumango kaagad ako sagad hanggang buto pa naman ang kayabangan nito.
"Naku sir, tama po ang napili ni ma'am dahil nag iisa lang ang couple ring na ito sa buong mundo dahil galing pa itong Europe at ang halaga po ay 75 million dollars."
Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa presyo ng singsing.
"Bakit naman ang mahal? " tanong ko sa sales lady
"Ma'am ang sabi ko nga po ay nag-iisa lang ito sa buong mundo at isa pa ang halaga po nito bawat isa ay 37.5 million US dollars pero dahil couple po ito ay 75 million dollars ang halaga. Gawa ang singsing sa totoong perlas at dyamante saka bago napunta sa 'min ay dumaan muna sa auction kaya ganyan na lang iyan kamahal."
Grabe singsing lang tapos ganito ka mahal eh susuotin mo lang naman 'yan para ipagmayabang sa iba na may asawa ka na.
Tanga lang ang bibili ng ganon kalaking halaga na singsing.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...