"I'm going," nagulat ang mga taong nanunuod at mga kalaro ni Kairo nang tumayo siya pagkatapos ibaba ang hawak na cellphone.
"Boss, aalis na tayo?" takang tanong ni Uno
"Mr. Divinchie, hindi mo tatapusin ang laro? You'll lose, " saad ng isang matanda.
"It's fine. I will let my men to deposit the money," saad niya at tumalikod na para umalis
Hindi sumagot si Kairo at tumalikod na para umalis. Habang si Uno ay nagtataka sa inasal ng amo. Ngayon lang ito pumayag na matalo nang ganoon kalaking halaga sa sugal. Dati kapag natatalo ito ay maglalaro ulit at babawiin ang talo, pero ngayon ay basta nalang nitong hinayaan na mawalan ng milyones dahil sa sugal.
"Mr. Divinchie, 100 Million ang mawawala sayo kapag umalis ka. Masyado ka naman yatang nagpapa-under sa asawa mo o baka naman nakahubad na 'yon at hinihintay ka sa kama," natatawang saad ng isang kalaro niya habang may kandong na babae.
Galit naman na huminto sa paglalakad si Kairo at nilingon siya. Pagharap niya ay bumunot siya ng baril at itinutok sa lalaki na siyang nagpatahimik sa buong casino. Namutla naman ang lalaki at agad na itinaas ang dalawang kamay nito na para bang sumusuko.
"Don't fucking disrespect my wife. How dare you talk to her like that? Even once, I did not disrespect her," galit na saad ni Kairo at ikinasa ang baril.
"P-Patawarin mo ako, Mr. Divinchie. Nagbibiro lang ako," paghingi ng tawad nito at itinulak ang babae saka lumuhod sa harapan ni Kairo.
Nanatili ang malamig na titig ni Kairo habang hawak pa rin ang baril at ang lalaki naman ay paulit-ulit na yumuyuko sa harapan niya habang nakaluhod at kulang nalang ay halikan ang sapatos niya.
"Be thankful that my wife just give me 30 minutes to go home. If not, I'll let you suck the tip of my gun and swallow its bullet," saad niya at ibinaba ang baril saka tumalikod. "And one more thing, it is not being under, it is what we called respect," muling saad niya bago naglakad ulit.
Hindi naman maiwasang mapangiti ni Uno habang nakasunod sa amo niya. Mukhang nagbabago na yata talaga ang amo niya dahil natuto na ito sa salitang respeto. Kung alam niya lang na si Justine ang makakapagpabago rito, sana pala noon pa lang nagpakasal na sila.
"We're going home," saad nito habang palabas sila
"Boss, hindi pa nila nakukuha ang anak ni Vinhamin," sagot naman niya sa amo.
"Tsk! Let him finish his job. Come on! We're going home," tumingin ito sa relo niya at inis na binaling ang tingin sa tauhan "Damm! I have only 21 minutes left."
"Boss, wala akong sasakyang dala dahil nakisakay lang ako kay Drake," kakamot-kamot sa ulo na sagot ni Uno at hindi alam ang gagawin.
"Hop in!" saad ng amo at sumakay sa driver's seat
"Ho? Sasabay ako sayo?" gulat na tanong niya sa amo dahil unang beses itong pumayag na sumakay siya sa kotse nito. Hindi kasi ito nagpapasakay sa sasakyan niya pwera kay Justine.
"Do I need to repeat my self, Uno?" inis na saad niya sa tauhan.
Dali-dali namang sumakay si Uno sa passenger seat. Hindi pa man niya tuluyang nasusuot ang seatbelt, nang agad na pinaharurot ng amo ang sasakyan.
"Boss, kakausapin nalang natin si Miss Justine, isang oras po ang byahe papuntang mansion. Hindi kaya ang kinse minutos," kinakabahang saad niya sa amo
Hindi sumagot ang amo at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo. Napahawak na lamang siya sa seatbelt dahil sa sobrang kaba, nakikipagpatentero ang amo niya sa mga sasakyan. Swerte nalang dahil walang masyadong sasakyan sa dinaraanan nila. Parang nagsisisi na siya na nakisabay siya sa amo dahil parang hinahabol nito si kamatayan.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...