BOC: THE LADY AND THE GENTLEMAN

162 7 0
                                    

THURSDAY 5PM

MANSION LAGDAMEO



3RD PERSON'S POV


Hindi namalayan ni Adonis ang paglipas ng mga araw. Martes niya natanggap ang mensaheng iyon mula sa kanilang unang "Kliyente" tulad ng sabi ni Apollo. Hindi man lang siya na-excite. Hindi naman kasi iyon normal na trabaho.


Kailan ba naging trabaho ang maging boyfriend ng iba? Ang magpanggap pa kaya?


May tatlong oras pa siya para makapag-isip-isip kong balak ba niyang mag-back -out. Hawak- hawak niya ang kanyang cellphone para sa instructions na manggagaling sa kliyente. Pero ang gusto niyang txt message na matanggap ay yung ipakansel na lang ni Ms. Desperate ang kanyang kahibangan sa ON-Call JOB na iyon. Wala naman siyang pakialam kung mapahiya ang babae kung hindi man niya ito siputin . Ang lahat ay ayon pa rin sa kanyang pagpapasya. Hindi na niya iyon puproblemahin.


Maaga siyang umuwi ng Mansion Lagdameo. Gamit ang kanyang bagumbagong kotse mula pa dinaluhan nila ng ama ng sumama siya sa Geneva Motor Show. Magaganda at makapigil hiningang "hypercars" ang ipinakita doon. Aliw na aliw ang mag-ama at excited si Adonis dahil pangako ni Bacchus na ibibilhan siya ng kotse, anuman ang magustuhan nito sa mga naka-display doon.


Nagustuhan niya ang Audi R8, isang kulay sunny yellow na sasakyan. Kahawig ito ng Lamborghini Huracan series :

"V8 power has been dropped - leaving the V10 only, in two outputs: 533bhp or 602bhp. The car is automatic-only, too, although a manual gearbox may be offered later if demand is there; the gated manual box was one of the original R8's real highlights.

The higher-powered V10 Plus is a true supercar, giving 0-62mph in 3.2 seconds and hitting 205mph. Even the 'base' model completes the benchmark in 3.5 seconds. But it's not all about pure power: a carbon fibre and aluminum chassis means the R8 is lighter, stiffer and sharper than ever." -sabi ng tagapagsalita.


Unang kita pa lang ni Adonis, nagustuhan na niya ito. Nang subukan niya itong paandarin, lalo siyang nakumbinsi na iyon ang hanap niya sa isang sasakyan.


Hmmm, ganun din kayang pumili si Adonis ng babaeng mamahalin. Kailangang may test drive muna bago makumbinsing sila na nga ang right pair


Kailangang kilatising mabuti dahil may kamahalan ang kotse. Iiimport pa ito sa Pilipinas. Malaki ang magagastos dito lalo na sa mga papeles at bago pa makalabas ng Costums e kataku-takot ng inspeksyon pa ang pinagdaanan ng kotse. Isang linggo pa lang itong naidi-deliver sa kanila.



ADONIS'POV


Okay, fine. Hindi naman ako ang tipo ng tao na paasa. Ako ang tipo ng tao na may isang salita. Mali man ito pero hinihingi lang ng pagkakataon. Ito ang una at huli. Naghanda na lang ako sa aking pag-alis. Nagpaalam naman ako kay Mommy at pumayag naman siya basta't hindi ako aabutin ng madaling araw.


Pagsakay ko ng kotse, bigla akong kinabahan.


WANTED: BOYFRIEND ON CALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon